• Home
  • Fresh Scoops
  • Janice de Belen to Gerald Anderson: 'Magseselos ako kapag nagka-girlfriend ka'

Janice de Belen to Gerald Anderson: 'Magseselos ako kapag nagka-girlfriend ka'

Janice de Belen talks about her good working relationship with Gerald Anderson.

BY ABS-CBN CORPORATE COMMUNICATIONS

FRESH SCOOPS

2/4/2012 10:35 PM
Janice de Belen to Gerald Anderson: 'Magseselos ako kapag nagka-girlfriend ka'


Hindi pa man natatapos ang teleseryeng Budoy, nalulungkot na si Janice de Belen na isiping hindi na sila magkakatrabaho ni Gerald Anderson. Parang tunay na anak na raw kasi ang turing niya dito kaya madalas niya itong bigyan ng pasalubong sa set. “Gerald is such a sweet boy. Parang nanay niya na ako kasi nung naging sobra siyang busy, when he was shooting Won’t Last A Day Without You, nakikita ko kung gaano siya kapagod. So naging habit ko na dalhan siya palagi ng something to eat, whether it’s something I bought or something that I cooked,” kwento ni Janice sa panayam ng Push.com.ph kamakailan.

Very proud din si Janice dahil malaki ang improvement ni Gerald pagdating sa pag-arte. Sa katunayan, madali na silang magkaintindihan kung ano ang gusto nilang atake sa isang partikular na eksena. “Oo, grabe no? Kapag magkasama kaming nagte-take, kakalabitin ko lang siya ng konti, ok na kami. It’s nice kasi organic yung working relationship namin. Sometimes bago pa siya may gawin na eksena, nagkakaintindihan na kami. pinaguusapan na namin kung anong gagawin namin bago yung eksena. Coupled with the fact that director Ruel Bayani is such a good friend, kaya nag-ge-gel kami and it shows on screen.” Kaya kung siya ang papipiliin ay gusto raw niyang makasama ulit si Gerald sa susunod niyang acting project.

Naitanong din namin sa kanya kung sino sa tingin niya ang bagay na maging girlfriend ni Gerald; ngunit safe naman ang naging pahayag ni Janice tungkol dito. “Hala! Sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo, we’ve been working together for a while. Kaya kapag nagka-girlfriend ka, feeling ko magseselos ako ng bonggang bongga.’ Wala lang. magseselos lang ako.”

Incidentally, makakasama rin ni Janice ang dating ka-love team ni Gerald na si Kim Chiu sa pelikulang The Healing top-billed by Governor Vilma Santos. “Hindi ko pa siya (Kim) nakatrabaho. Yeah, I’m excited to work with her.”