• Home
  • Fresh Scoops
  • James Younghusband reveals how he's coping with his recent breakup

James Younghusband reveals how he's coping with his recent breakup

James Younghusband surrounds himself with friends and family to keep his mind away from his recent breakup.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/4/2012 9:47 PM
James Younghusband reveals how he's coping with his recent breakup


020512-james_main.jpgKamakailan lang ay inamin ni James Younghusband, ang nakatatandang kapatid ni Phil Younghusband, na single siya at break na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Fiona Faulkner. Tanging ngiti lang ang isinagot ni James nang matanong kung anong mangyari. “I’m just focused on football and work and try to promote [the sport] and country [together] with my friends, and looking after my little sister,” ang pa-safe na sagot ng celebrity football star.

Bukod dito, ang importante raw sa kanya ngayon ay ang alagaan ang kanilang pamilya dahil ulila na sila at ang alagaan ang kanilang bunsong kapatid na si Keri. “She’s good, she’s good. She’ll be my Valentine on Valentine’s Day,” pagbibiro pa ni James. Aniya, mabuti ang pag-aaral ng kapatid at ngayon ay nag-aaral ng pagsasayaw. Sinabi naman nina James at Phil na suportado nila ang kanilang kapatid sa kung anuman ang gusto niyang gawin.

Kinunan ng Push.com.ph ng pahayag si James kung ano ang maipapayo niya sa nakababatang kapatid na si Phil sa kanyang relasyon ngayon sa aktres na si Angel Locsin. “Everyone is different, we’re happy for Phil and Angel. I think they’ll make a great couple and I really support them no matter what they’ll do,” maiksing sagot ni James.

Tinanong din ng Push.com.ph kung kamusta na ba ang si James at kung ano ang mga ginagawa niya para mabilis na makapag-move on. “I’m okay, I’m pretty busy these days. Hectic schedule and that helps to keeps my mind focused and promote football.” Idinagdag niya na sinasamantala raw niya ang pagkakataon na makasama ang mga kaibigan at pamilya.

Tinawanan din ng Filipino-British player ang tukso kung open na ba siya ngayon sa pakikipag-date ngayong single na siya. Ang sagot niya, “At the moment I just want to focus on my football career and actually spend time with friends and have a good time and just enjoy.”