• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla wants a torrid kissing scene with Kris Aquino In 'Kailangan Ko'y Ikaw'

Robin Padilla wants a torrid kissing scene with Kris Aquino In 'Kailangan Ko'y Ikaw'

Robin Padilla is looking forward to working with Kris Aquino and Anne Curtis in the teleserye, 'Kailangan Ko'y Ikaw.'

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

2/4/2012 12:08 AM
Robin Padilla wants a torrid kissing scene with Kris Aquino In 'Kailangan Ko'y Ikaw'


040412-robin-main.jpgSa ginanap na story conference ng Kailangan Ko’y Ikaw noong ika-2 ng Pebrero, tinanong agad ni Robin Padilla si Kris Aquino kung payag na ba itong makipag torrid kissing scene sa gagawin nilang teleserye. Mabilis namang sumagot si Kris ng, ”Yes, pwedeng-pwede!

Nang tanungin ng entertainment press si Robin tungkol dito, nilinaw niya na walang malisya ang request niya na dapat may torrid kissing scene sila ng dating karelasyon.

Hindi [naman sa gustong-gusto ko]. Nagbibiruan lang kami ni Kris. Noon kasi kapag may pelikula kami bawal maghalikan. Palagay ko may mangyayari dito. Bawal pa kasi dati kasi may asawa siya or boyfriend. Wala akong inaatrasan lalo na sa halikan. Pero siyempre kailangan kasama sa storya yun. Hindi naman dahil sa gusto mo lang maghalikan, gagawin mo na.”

Ayon pa kay Robin, hindi na sila mga bata para maging big deal pa ang romantic past nila ng Queen of All Media. “Wala na yun. Ano na kami, mature na kami. Yung excitement na nararamdaman namin, lalo na ako, mas sa usapin na gusto ko siya makatrabaho sa ganitong klaseng aktingan, professional.” Excited din si Robin na makasama si Anne Curtis sa nasabing teleserye. “Iba si Kris, iba si Anne. Iba yung passion nila sa trabaho kaya mga successful sila sa kani-kanilang career. Kaya kong pantayan yun.

Wala rin daw dahilan para magselos ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez sa bago niyang leading ladies. “Wala. Nagkataon lang na ako’y pinagpala na makasama yung hottest young actress (Anne) at hottest actress-superstar (Kris). Siguro mabait ako kaya napagpala ako ng ganito.”