PNoy admits to dating Korean TV personality Grace Lee

Kris Aquino says her brother Pres. Aquino has introduced Grace to one of their sisters.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/2/2012 9:50 AM
PNoy admits to dating Korean TV personality Grace Lee


020212-pnoy_main.jpgInamin na sa wakas ng Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang isyung nakikipag-date siya sa Korean television personality na si Grace Lee.

Ayon sa Pangulo: "We're seeing each other."

Nagbigay ng pahayag ang Pangulo sa 25th anniversary celebration ng Philippine Information Agency in Quezon City nitong Miyerkules.

Ayaw namang magbigay pa ng Pangulo ng karagdagan pang detalye hinggil sa isyu.

Matatandaang unang umingay ang isyung lumalabas na ang dalawa sa Twitter.
 
Unang nagkita ang Pangulo at si Lee sa inagurasyon ng Korea Electric Power Corp. power plant sa Cebu, kung saan naging host si Lee ng event.
 
Sa panayam naman ng ABS-CBN News sa manager ni Lee na si Arnold Vegafria, sinabi nitong halatang inspired si Lee tuwing mapag-uusapan ang Pangulo.

Inamin din ni Queen of All Media Kris Aquino, na nakilala ni Lee ang isa sa kanyang mga ate.