• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim, Julia Montes, Kathryn Bernardo, and other Kapamilya stars share their Valentine's Day plan

Xian Lim, Julia Montes, Kathryn Bernardo, and other Kapamilya stars share their Valentine's Day plan

Kapamilya stars reveal what they have planned for Valentine's Day and make a few surprising confessions.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

2/14/2012 9:22 AM
Xian Lim, Julia Montes, Kathryn Bernardo, and other Kapamilya stars share their Valentine's Day plan


021412-vdaycelebs_main.jpgWhat do your favorite Kapamilya stars have planned on Valentine’s Day? Barring any work commitments, here’s how they want to spend the day of hearts.

Xian Lim
Ako sana I’m still hoping (laughs). Taking it step by step, day by day kasi marami pang puwede mangyayari for Valentine’s Day. We’ll see what happens then. Siyempre I can’t help na mag-cross yung kasama siya sa isipan ko pero mas maganda siguro yung mentality na huwag mag-expect too much. It’s better to just hope, huwag muna yung expect expect. Maybe hope is a better word for it para pag dumating yung araw na yun hopefully.”

Julia Montes
Gusto ko makasama yung mga special na tao sa buhay ko. Ang gagawin namin siyempre gusto ko magsimba kami na magkakasama and dinner lang siguro with other family and friends. Special friends (laughs).”

Enchong Dee
Sa akin wala pa kasing nag-i-invite. Pero nung tiningnan ko yung sched ko sa February 14 may shooting kaya yun na yun. Pero kung wala akong work maghahanap ako ng date. Tingnan natin.”

Kathryn Bernardo
Mauuwi siguro na kami ni Julia ang magde-date. Manunuod kami ng movie. Feeling ko ganun ang mangyayari.

Joseph Marco
Meron na akong date. Date ko family ko. Well right now wala pa naman akong special someone. Ang pinaka-special for me is my family so I’d want a whole day together with my family. [That] will be the best for me.”

Valerie Concepcion
“Valentine’s Day kasi is the birthday of my brother so usually nag-di-dinner kami ng family ko but after that kung may makaka-date ako, hindi ko pa alam, depende kung sino mag-a-ask (laughs). Kung may mag-aya I want to go somewhere cold like Tagaytay para may reason to hug (laughs).”

Melissa Ricks
Wala pang plans dahil wala pa akong date (laughs). Pero kung with friends I want to do something fun, I always choose to do something fun like maybe pag walang work, [to] go out of the country or go to a theme park, yung ganun lang.”

Nikki Gil
Malamang nasa taping ako niyan and yung date ko nagtratrabaho din nyan (laughs). Pero simple lang naman kami ni Billy (Crawford), dinner lang kami, nuod ng sine, kain, kami pa (laughs). Magfo-four years na rin kami (laughs).’

Garie Concepcion
“I haven’t had a Valentine since I could remember (laughs). Usually I go out lang with my single friends. We have dinner.”

Ejay Falcon
Wala pa plans eh. Siguro kami ng mga friends ko lalabas, ganun na lang. Siguro mag-a-out-of-town pero hindi ko pa alam.”

Paul Salas
Mag-ha-hang out kami ng mga Oka2kat barkada ko, kasi close kaming lima. Sobrang close kaya siguro mag-di-dinner kami, hang out or watch a movie.”