Vicki Belo ends romance with Hayden Kho?

The doctor to the star tweets that former actress Nancy Castiglone can now freely date Hayden.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/14/2012 9:18 AM
Vicki Belo ends romance with Hayden Kho?


021412-vicki_main.jpgHanggang ngayon ay hot issue pa din ang di umano ay hiwalayan ng celebrity doctor na si Vicki Belo at Hayden Kho.

Noong Biyernes, umugong ang balitang tapos na ang relasyon ng magkasintahan na inaasahang ikakasal ngayong taon matapos hayagang sabihin ni Vicki sa kanyang Twitter account na malaya na si Hayden na makipag-date sa dating aktres na si Nancy Castiglione.

"nancycastilogne you can now openly date @haydenjr.You have my blessings . Hope you'll both be happy," ani Vicki.

Sinasabing nag-ugat ang di pagkakaunawaan ni Vicki at Hayden ng makita di umano si Hayden kasama si Castiglione sa isang bar sa Taguig.

Sa Twitter, inamin  din ni Hayden na mayroon nga silang hindi pagkakaunawaan ni Vicki pero iginiit na walang kinalaman din si Castiglione.
 
"Before things go out of hand: Vicki and I are just having a misunderstanding. Don't make conclusions. There's [no] infidelity issue here," ani Hayden.

"I'd like to appeal to everyone to please hold your judgement. There has been a misunderstanding and it's gone out of proportion. I feel that the public doesn't have to get involved in this but since names have to be cleared and this issue involves the welfare of two innocent toddlers, I will have to speak out my piece, but at the right time. Thank you," dagdag nito.

Si Castiglione na kilala din bilang Nancy Jane, ay ina ng kanyang kambal na sila Matteo at Joaquin.

Dagdag ni Hayden, ang isyu ay nanggaling sa 2 taong nagmamahalan na nagkakaroon lamang ng di pagkakaunawaan.

"This issue stemmed not fr facts not rumors; but fr mindless & loveless faultfinding wc occasionally happens when 2 people hv a disagreement."

Sa ngayon ay lumipad na sa ibang bansa si Vicki para magdiwang ng Araw ng Puso kasama ang kanyang anak.

"On my way to Los Angeles for my first valentine alone . Maybe I'll learn to love myself," ani Vicki.