John Lloyd Cruz hopes to work with Kaye Abad again

The actor says he thinks his ex-girlfriend is the epitome of simplicity.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/14/2012 9:19 AM
John Lloyd Cruz hopes to work with Kaye Abad again


021412-jlc_main.jpgKahit ilang taon na ang nakakaraan, inamin ni John Lloyd Cruz na gusto pa din niyang makasama sa isang proyekto ang dating ka-love team at kasintahang si Kaye Abad.

"Sa aspeto na gusto ko siyang makatrabaho at mabigyan kami ng (chance) na mabigyan kami ng isang palabas ay si Kaye Abad," ani John Lloyd.

Nang tanungin kung paano niya ilalarawan ang dating kasintahan, ang sagot ni John Lloyd ay: "Forever simple."

Matatandaang nagkasama si John Lloyd at Kaye sa ABS-CBN teen drama series na "Tabing Ilog" na nagtapos noong 2003.

Sa dating panayam ng Push.com.ph, inamin din ni Kaye na nais pa din niyang makasama si John Lloyd sa bagong proyekto.

Sa ngayon ay parte si Kaye ng Angelito: Batang Ama samantalang busy naman si Lloydie sa pag-promote ng kanyang pelikulang Unofficially Yours kung saan leading lady niya si Angel Locsin.

Nakatakdang ipalabas ang Unofficially Yours sa theaters nationwide bukas (February 15), isang araw matapos ang Valentine's Day.

Samantala, naging kalog naman si Lloydie na sagutin kung sino sa male celebrities ang payag siyang makapalitan ng katawan kung saka-sakali.

Ayon sa aktor, kung bibigyan ng pagkakataon ay nais niyang maramdaman na magkaroon din ng sexy body tulad ng kay Piolo Pascual.

"Sa katawan? Gusto kong maramdaman 'yung pakiramdam, hindi ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang Piolo Pascual na parang sabi ko nga (sa kanya), 'ang ganda ng katawan mo.'"

"'Ang ganda ng katawan mo,  pero ingat ka kasi kapag napanood mo itong movie namin, ingat kasi baka ang maging pakiramdam mo ay 'so-so' lang ang katawan mo. Pero (honestly) gusto ko talaga ('yung katawan ni Piolo). Ano kaya ang pakiramdam noon na ganoon ang katawan mo?" pahayag ni Lloydie.