'Papa Chen' thrilled to work with Kris Aquino

Richard Yap confirms working in 'Kailangan Ko'y Ikaw.'

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/10/2012 9:07 AM
'Papa Chen' thrilled to work with Kris Aquino


021012-richard_main.jpgMukhang tuloy tuloy na ang pagpasok ni  Richard Yap o mas kilala bilang "Papa Chen" sa mundo ng showbiz.

Matapos kasi ang kanyang first acting job para sa katatapos lang na may "My Binondo Girl" kasama si Kim Chiu,  sunod namang proyekto nito ang "Kailangan Ko'y Ikaw" kasama naman ang Queen of Alll Media na si Kris Aquino.

Sa morning show na KrisTV, mismong ang host nito na si Kris ang nagsabi na magkakasama sila ni Richard sa kanyang bagong serye.

"I heard. Yes, of course, I'm excited. It's an honor for me," ani Richard nang mag-guest ito sa morning show.
 
Ayon kay Kris, makakasama niya mag-shooting abroad si Richard kaya mas makakabuti kung isasama ng baguhang aktor ang kanyang asawang si Melody.

"Based on the story sa abroad tayo magshoo-shoot. Dapat sumama siya (ang wife mo si Melody) kasi matagal 'yata yon. Ang bina-block off nila ay mga two to three weeks 'yung sa pagshoo-shoot natin. I'm so excited to work with you kasi mai-inlove ka sa akin pero hindi kita ila-love kasi may asawa na ako, ikaw kasi eh," ani Kris.

Maliban kay Kris at Richard, bida din sa pinakabagong seryeng "Kailangan Ko'y Ikaw" ang host ng noontime show na "It's Showtime" na si Anne Curtis at ang action star na si Robin Padilla na busy ngayon sa kanyang weekly show na "Todamax" kasama naman si Angel Locsin.