• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz on reconciliation with Shaina Magdayao: 'Better than ever!'

John Lloyd Cruz on reconciliation with Shaina Magdayao: 'Better than ever!'

John Lloyd Cruz says he and Shaina Magdayao are back together and resolve to keep their relationship private.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/1/2012 8:45 AM
John Lloyd Cruz on reconciliation with Shaina Magdayao: 'Better than ever!'


020112-jlc_main.jpgSa panayam ng Push.com.ph sa Box Office king na si John Lloyd Cruz tungkol sa bago niyang pelikula na Unofficially Yours kung saan makakasama niya si Angel Locsin, inamin ng aktor na ibang level ng pressure ang nararamdaman niya sa kanyang bagong project. “Medyo kakaiba yung tema. Kakaiba para sa Star (Cinema) pero yung tema naman na yun familiar naman na yung audience sa ngayon. Saka kasi dati ‘di ba isang klase siya ng subject na hindi pinag-uusapan pero laganap ‘di ba so finally matatackle sa isang pelikula. So I’m very excited na maikwento natin ito sa paraan na kung paano gumagawa ng pelikula ang Star Cinema.”

Kaya naman natanong na rin ng Push si Lloydy kung ano ba ang paniniwala niya pagdating sa mga casual relationships at one-night stands bilang ito nga ang tema ng pelikula. “Kanya-kanya kasi yan e, kanya-kanya yan kaya depende sa tao kung anong set-up ang gusto niya. Basta ako naniniwala na ang lahat ng tao may pinanggagalingan, lahat yan may dahilan kung bakit yan ang pinipili nila at may dahilan ka din kung bakit mo gutsong piliin yung kabaligtaran. It’s a very complex issue saka it’s very subjective basta ako kanya-kanya tayo, choice niyo yan and kung anuman ang pinili niyo kailangan niyong protektahan o panindigan or alagaan. Masyadong malawak yung konsepto ng casual relationships.”

And speaking of relationships, marami nga ang ugong-ugong na nagkabalikan na sina John Lloyd at Shaina Magdayao. Inamin naman ito ng binata sa panayam sa kanya sa huling episode ng Entertainment Live pero limitado lang ang kanyang naging revelation. “Kami na ulit pero yun lang, hanggang dun lang.” Inamin din ng aktor na mataga-tagal na rin sila nagkabalikan. Dagdag pa ng binata, “We are trying to keep the private matters private kasi masyado din ata kaming naging maluwag din sa pagwe-welcome ng public sa buhay namin. Kaya siguro ngayon mas may effort lang at consciousness lang to keep the matter private as much as possible.” Pero you can say na mas okay kayo ngayon? “Yup, better than ever!”

Walang dudang maganda ang pasok ng 2012 kay John Lloyd. From his latest movie na Unofficially Yours na showing na sa February 15, marami pang naka-line-up na projects sa kanya. Ilan nga dito ay ang reunion teleserye nila ng dating pang ka-love team na si Bea Alonzo at another movie with his box office tandem na si Sarah Geronimo. “Siyempre I’m very thankful na hanggang ngayon sa ilang taon kong inilagi dito, nag-renew ako last year at sa pagpasok ng taon pinagkakatiwalaan pa rin tayo ng ABS-CBN, ng Star Cinema sa mga projects na ganito at ito talaga mga special na projects ito. Lahat yan mangyayari, lahat yan this year 2012! So ang saya, very exciting ang taon so I’m very happy and very grateful to ABS-CBN.”

At sa maraming magagandang nangyayari sa kanya professionally at personally, masasabi niya ba he is at his happiest? At ang nasagot ni JL, “Oo! Hindi mahirap sabihin, hindi ka magdududa na ang ganda ng taon para sa iyo.