• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo and Derek Ramsay say that their team-up won't affect their respective real-life partners

Bea Alonzo and Derek Ramsay say that their team-up won't affect their respective real-life partners

Having worked together before on many projects, Bea Alonzo and Derek Ramsay reveal what they like about each other as co-stars.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/1/2012 8:40 AM
Bea Alonzo and Derek Ramsay say that their team-up won't affect their respective real-life partners


020112-bea_main.jpgLast week ay nag-story conference na para sa upcoming movie nina Bea Alonzo at Derek Ramsay at magsisimula na ang kanilang shooting three weeks from now. Hindi naman ito ang unang pagtatambal ng dalawa dahil nagkasama na sila noon sa pelikulang One More Chance (2007) at And I Love You So (2009). Nagkatrabaho rin sila sa teleseryeng Magkaribal last year.

Excited naman si Bea sa proyektong ito dahil isang hamon para sa kanya ang kanyang gagampanang role. “Ibang-iba ito, ibang-iba sa lahat ng relationships namin sa past movies,” sabi ng aktres. “Ito ‘yung hindi pinag-uusapan ng society pero it exists. [It’s] really controversial.” “It’s very mature, I think makaka-relate ang maraming tao sa situations of the characters. A lot of people will be able to relate,” dagdag naman ni Derek.

Since parehong committed ang dalawa (si Bea kay Zanjoe Marudo at si Derek kay Angelica Panganiban), tinanong ang dalawa kung ipinaalam na ba nila sa kanilang mga kani-kaniyang kasintahan ang tungkol sa kanilang pagsasamahang proyekto.

Natatawang sagot ni Bea, “Hindi wala siyang (Zanjoe) alam. Hindi niya alam kung ano ‘yung weight [ng gagawing proyekto].” Inaasahan kasing magkakaroon ng intimate scenes sina Bea at Derek sa pelikulang gagawin.

Nagbiro naman si Derek na marami raw sinasabi si Angelica tungkol kay Bea, pero kilala namang magkaibigan sina Bea at Angelica.Sinigurado naman ni Derek na walang dapat ikabahala si Zanjoe sa kanya bilang leading man ni Bea. “I’m buddies with Zanjoe. Nag-umpisa kami ni Zanjoe together. We did Super Inggo so nag-umpisa kami [magkasama]. So I’ve known him ever since [kahit] sa [teleseryeng] The Wedding pa.

Inilarawan din nina Derek at Bea kung ano ang pinakagusto nila sa pakikipagtrabaho sa isa’t isa. Ani Derek, “I’ve worked with Bea many times and she really made me so comfortable. She’s a big name, she’s a big star but she doesn’t act like it. She makes me feel comfortable in front of the camera.”

Sabi naman ni Bea, “I’m very comfortable working with Derek. Plus sa eksena hindi naman ‘yan tumatayo na isa lang, give-and-take talaga. And talagang napaka-generous na actor, ibibigay niya talaga sa ‘yo kahit na ‘di siya kita sa kamera. Ipaparamdam nya talaga sa ‘yo and I really appreciate that.”