• Home
  • Fresh Scoops
  • Vic Sotto: 'Di ko pinoproblema na 'di na ako mag-aasawa ulit'

Vic Sotto: 'Di ko pinoproblema na 'di na ako mag-aasawa ulit'

The seasoned actor-host speaks up about his kids' supposed disapproval of his relationship with Pauleen Luna.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/9/2012 11:04 PM
Vic Sotto: 'Di ko pinoproblema na 'di na ako mag-aasawa ulit'


121012-vic_main.jpgWala naman dapat itago and at the same time, wala naman dapat idetalye,” ito ang depensa ni Vic Sotto sa interview ng The Buzz sa kanya hinggil sa relasyon nila ni Pauleen Luna. “I’m not the type who would go into details about personal matters. And alam ko naman nirerespeto n’yo and I do appreciate that. Basta kung ano ‘yung nakikita.” 

Itinanong din sa komedyante kung kasama ba si Pauleen sa kanyang Christmas plans at ang sagot lamang ni Vic, “Sa lahat ng plano dapat kasama natin ‘yung mga mahal natin sa buhay.” 

Idinugtong pa rito ang isyung hindi raw boto ang mga anak ni Vic na sina Danica at Oyo Boy kay Pauleen. Hindi pa raw nakakaharap ng kanyang mga anak si Pauleen. “Hindi naman sila nagkakasama paano (sila magkakaharap)?” sagot niya. Nang tanungin kung bakit hindi pa sila nagkakasama, isang tanong din ang ibinalik niya sa press. “Bakit kailangang magsama?

Iminungkahi naman kay Vic ang posibilidad na magkikita-kita si Pauleen at ang mga anak ng seasoned actor-host sa isa sa mga Christmas celebrations. Ayon naman kay Vic, “Depende kasi kung sino ang nandito, kung sino’ng makakapunta sa bahay and si Pauleen has her own family, so 'di namin pinoproblema ‘yon.” 

Sa tanong naman kung handa na ba siya ulit magpakasal, ang pabirong simula niya, “Ulit? Kanino? Pagdating sa kasalan, kung darating, darating. Kung 'di naman, ayos din ako e. I’m okay. 'Di ko pinoproblema na 'di na ako mag-aasawa ulit. In God’s time, 'wag nating pangunahan ang Diyos.”