• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual denies issue that he is insecure of Coco Martin's success

Piolo Pascual denies issue that he is insecure of Coco Martin's success

The actor is all praises for the 'Walang Hanggan' star who succeeded because of his good attitude towards work.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/9/2012 11:19 PM
Piolo Pascual denies issue that he is insecure of Coco Martin's success


121012-piolo_main.jpgIsang intriga na lumalabas ngayon ay diumano’y insecure si Piolo Pascual sa kasikatang natatamo ng kanyang fellow Star Magic talent na si Coco Martin. Na-interview ng The Buzz si Piolo recently at direkta siyang kinunan ng komento hinggil sa isyung ito. 

Mariin ang pagtanggi ni Piolo at sinabi niyang masaya siya para kay Coco sa kung ano man ang kanyang narating. “I’m happy with whatever Coco is reaping right now,” simula ng aktor at pinuri pa niya ang character actor dahil pinagpaguran daw niya ang kanyang narating ngayon. “Napaka-hard working ng taong ‘yon. Hindi lang siya mabait na tao, napakabait na artista so I’m happy for him. Kapatid ko sa Star Magic, kapatid ko sa ABS-CBN, so walang issue. Ang success ng isa, success ng lahat,” paglilinaw niya.

Recently din ay naisyu si Piolo na nagiging masyado na raw silang malapit ni Maja Salvador dahil sa isang picture na lumabas sa Internet na akmang maghahalikan sila ng aktres. Pero ani Piolo, ito raw ay biru-biruan nilang dalawa. Nagkataon lang daw kasi na may kumuha ng aksyong maghahalikan sila at ipinost ‘yon sa Internet. 

On a personal note, ayaw namang pa-pressure ni Piolo na magkaroon muli ng karelasyon. Ayon pa sa kanya, “’Yung mga bagay na ‘yan hindi pinangungunahan. Darating tayo d’yan, mangyayari at mangyayari ‘yan.”