• Home
  • Fresh Scoops
  • Manny Pacquiao says his loss to Juan Manuel Marquez does not mean he needs to give up boxing

Manny Pacquiao says his loss to Juan Manuel Marquez does not mean he needs to give up boxing

The People's Champ admits he became “over confident” with his match against the Mexican boxer.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/9/2012 11:16 PM
Manny Pacquiao says his loss to Juan Manuel Marquez does not mean he needs to give up boxing


121012-pacquiao_main.jpgSa ika-apat na paghaharap ni Manny Pacquiao at ng Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez ay nagwagi ang huli sa ika-anim na round via knock out. Ginanap ang malaking paghaharap ng dalawang boksingero sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA. 

Sa pangatlong round, napabagsak ni Marquez ni Pacman via straight right hand at sinasabing bihira umanong makitang maranasan ng People’s Champ. Nakabawi naman ang pambato ng Pilipinas sa Round 5 nang mapabagsak nito si Marquez. 

Tila tumigil naman sa paghinga ng mga Pilipino nang napabagsak muli ni Marquez si Pacquiao sa sixth round at tila nawalan ng malay sa suntok ng kalaban. Agad na idineklarang knock out si Pacquiao kaya inanunsyong winner si Marquez. 

Ang tanong ng marami kung ano raw ba ang naging dahilan ng pagkatalo ni Pacquiao. Sa isang interview kay Pacquiao pagkatapos ng laban, inamin niya na naging “over confident” umano siya laban nila ni Marquez. Depensa pa niya, sa isang laban naman ay may nananalo at may natatalo.  

Sa TV Patrol Weekend kagabi ay na-interview via phone patch si Pacquiao at dito ay sinabi ng boksingero ay ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya at kailangan tanggapin ang kanyang pagkatalo. Dagdag pa niya, nakita naman sa kanya na hinusayan niya ang kanyang performance subalit nagkaroon ng “lucky punch” ang kanyang kalaban. 

Nang tanungin si Manny kung nangangahulugan bang kailangan na niyang tumigil sa pagbo-boxing dahil sa kanyang pagkatalo, ang tugon ni Pacquiao, “Hindi naman, hindi naman hudyat na magpahinga na.” Pwede pa raw niyang ituloy ang pagbo-boksing ng ilang taon pa. 

Dagdag pa niya, hindi naman lagi ay panalo ang isang manlalaro at kailangan din ay handa ang isang atleta na maging handa pag dumating ang oras na matalo ito. 

Sa tanong kung willing ba siya ng fifth rematch kay Marquez, sagot ni Pacquiao, “Depende kasi maganda sana ‘yung laban namin. Balik ‘yung aggressiveness ko.” 

Itinanggi rin niyang kulang siya sa paghahanda para sa match niyang ito. Aniya, kung hindi raw siya prepared ay dapat nakita na naubusan siya ng stamina subalit  maganda naman daw ang ipinakita niyang laban hanggang round six at siya raw ay nag-create ng aksyon sa kanilang laban ni Marquez.