• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador and Julia Montes deny they have a gap because of Enchong Dee

Maja Salvador and Julia Montes deny they have a gap because of Enchong Dee

The two actresses says there is no truth to claims that they have a feud involving Enchong Dee.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/9/2012 11:09 PM
Maja Salvador and Julia Montes deny they have a gap because of Enchong Dee


121012-maja_main.jpgMay isyung lumalabas na mayroon daw alitan sa pagitan nina Maja Salvador at Julia Montes dahil kay Enchong Dee. Magkatambal sina Enchong at Maja sa teleseryeng Ina Kapatid Anak samantalang very vocal naman sa pagsasabi ni Enchong na nililigawan niya si Julia. 

Sa The Buzz kahapon ay inanunsyo ng host na si Boy Abunda na nakuha nila ang pahayag ni Maja at itinanggi nito ang isyu. “Hindi raw ito totoo at walang alitan sa pagitan nila ni Julia,” pag-uulat ni Boy. Maayos daw ang relasyon nilang dalawa. Silang dalawa raw ni Enchong ay magkaibigan lamang.

Nakakuha rin daw sila ng sagot from Julia at itinanggi rin ni Julia ang isyu. “Wala walang ganon. Siguro kung anuman ‘yung nangyari sa amin ng off cam namin, walang ano… walang epekto sa aming tatlo, gaya ng lumabas. Basta kaming lahat okay kami. Okay kami nagtatrabaho, lahat kami busy sa bawat shows.”