• Home
  • Fresh Scoops
  • Anne Curtis speaks up about Twitter followers that allegedly insulted her mother

Anne Curtis speaks up about Twitter followers that allegedly insulted her mother

Anne Curtis says she has to defend her family whenever there are bashers.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/7/2012 9:38 AM
Anne Curtis speaks up about Twitter followers that allegedly insulted her mother


120712-anne_main.jpgBilang most followed Filipino celebrity on Twitter na may higit sa tatlong milyong followers ay patunay na marami ang sumusuporta sa tinaguriang “Princess of Multimedia” na si Anne Curtis. Bukas siya sa mga pangyayari sa kanyang buhay, sa loob man o labas ng showbiz, sa kanyang mga posts sa kanyang social media accounts. Ngunit may ilan pa rin na nagpapakita ng hindi masyadong pag-ayon sa kanya na nagsasaad din ng kanilang saloobin sa Twitter. Kamakailan nga ay may ilang siyang mga Twitter followers na nagsalita laban sa kanyang ina.

Ayon sa sunod-sunod na Twitter posts ni Anne noong December 5, patungkol mga ito sa diumano’y pang-iinsulto ng ilan sa kanyang followers sa kanyang ina.

@dudeinterrupted @Khatieness Well hello you. We meet again. But don’t worry I come in peace. Just to clarify once again my mother was never...

@dudeinterrupted @Khatieness …a maid. In fact if ever she was I would be proud and would not hide it in embarrassment at all. She may not…

@dudeinterrupted @Khatieness …have come from a well-off family but she is never ashamed of her roots and took all of us to visit where she grew…

@dudeinterrupted @Khatiness …up so you can say whatever you want. I won’t fight you BUT I will clarify… She is after all my mother and I…

@dudeinterrupted @Khatiness …I don’t appreciate people who disrespect her. You’d probably do the same. Anyway now that it is clear. I hope…

@dudeinterrupted @Khatiness …you will stop saying false things about my mother. Thank you.

At kinagabihan sa ginanap na Trade Launch ng ABS-CBN para sa mga bagong programa nito sa 2013, hingingan ng Push.com.ph ng paglilinaw kay Anne tungkol ditto. “Wala okay na, finished na,” ang kanyang naging sagot.

Nang tinanong ng Push kung paano niya hina-handle ang kanyang mga Twitter bashers, aniya, “So far I have one, hahaha. Well, learn the art of deadma that’s really it. And if it comes to the point that they disrespect any person in my family, I won’t necessarily fight you but I would clarify what you said and that’s it the art of deadma. I said my piece, you said your piece, that’s it.”

Hindi na rin nagpapapekto si Anne sa ganitong mga pangyayari. Aniya, “No, wala na yun, no! You got to learn to let it go. You have said your piece and why let it linger pa? It’s just a waste of time kaya learn to let go na lang. The art of deadma.”