Matteo Guidicelli is intent on focusing on work and sports

Matteo Guidicelli wants to give 110 percent to his work and his sports interests.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/5/2012 8:39 AM
Matteo Guidicelli is intent on focusing on work and sports


120512-matteo_main.jpgSinabi ni Matteo Guidicelli na ngayong single na siya ay nakakapag-concentrate siya sa kanyang trabaho at sports, dagdag pa rito ang pagkakaroon ng panahon sa pamilya. “It’s a good feeling,” aniya.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa na magkakabalikan sila ng kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador. Hiningan ng reaksyon ang aktor dito at ang kanyang simpleng sagot, “Maraming-maraming salamat na lang sa kanila, [I] just got to concentrate on Paraiso and sports for now.”

Ngayong darating na Pasko, uuwi sa Cebu si Matteo para makasama ang kanyang pamilya. Uuwi rin daw ang kanyang kapatid na galing sa Amerika kaya masaya siyang magkakasama-sama sila.

When it comes to his desired Christmas gift, sinabi niya na hindi materyal na bagay ang hangad niya. “No material thing but my wish is that next year will be a better year, a fruitful year for me and sana po I’ll have more projects to come and I can work hard,” sagot niya.

Ibinahagi rin ni Matteo na naniniwala siya sa New Year’s Resolutions. Aniya, gumawa siya ng New Year’s Resolutions last year. “Sa cell phone ko last year inilista ko lahat, maraming natupad, maraming hindi natupad. I’m happy with my year. Hopefully it will be a better year next year,” aniya.