Assunta De Rossi joins 'Be Careful With My Heart'

The actress is happy to be part of the top-rating morning teleserye.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/5/2012 12:06 PM
Assunta De Rossi joins 'Be Careful With My Heart'


120512-assunta-main.jpg120512-assuntatweet_main.jpg

Parte na ng hit seryeng Be Careful With My Heart ang aktres na si Assunta De Rossi, na napanood na kanina sa kanyang unang episode. 

Sa kanyang Twitter page, kinumpirma ni Assunta na nagsimula na siyang mag-taping kelan lang para sa nasabing serye kasama ang mga bidang sila Richard Yap at Jodi Sta. Maria.

"Super-chikahan kami ni Jodi kagabi sa taping. It's been 10 years since our last project, Jologs. Ang daming memories! :)," ani Assunta.

Ayon sa aktres gagampanan niya ang karakter na si Katrina Ruiz na makikilala ng bidang karakter na si Maya dela Rosa (Jodi) sa nasabing serye.

"Abangan nyo ako as Katrina "Ina" Ruiz, ang magiging boss/mentor ni Maya sa Time Airways. :D #BCWMH,"  ani Assunta.

Dagdag ng aktres, karangalan para sa kanya ang mapasali sa numero unong serye ng bansa sa umaga. 

"I'm honored to be in a top-rating teleserye!"