Natutuwa din si Vhong na nananatili ang kanilang komunikasyon kahit na tapos na ang pagsu-shoot nila ng pelikula. “May communication pa rin kami kaya nga nakakatuwa kasi akala ko nga matatapos na ron ‘yung friendship na nabuo sa pelikula. Ang maganda meron pa rin kaming communication,” paliwanag ng host ng It’s Showtime. Nagkaka-text messages daw sila o nagkakausap via Twitter.
Mga four years na ring committed si Vhong sa kanyang non-showbiz girlfriend at sinabi niya na masaya ang kanyang personal na buhay. Tinukso pa nga si Vhong kung hindi kaya magselos ang kanyang girlfriend sa pagiging open ng actor-host sa kanyang paghanga kay Lovi. “Naku, sobrang pagdating sa trabaho napaka intindihin no’n,” pagbibida ni Vhong. “’Yung sabi ko nga kanina eh kahit gaano mo ka-crush ‘yung isang tao, kapag nagtrabaho, ihihiwalay mo ‘yun kasi professionalism [ang kailangan kasi] character ‘yun eh.”
Dagdag pa ni Vhong maraming beses na rin siyang nagkaroon ng mga magagandang leading ladies subalit hindi siya nagka-isyu sa mga ito. “Isa na ata ako sa mga pinakamaswerteng lalaki dahil sa dami ng nasasamahan kong magagandang dilag, awa ng Diyos, hanggang trabaho lang kasi hindi naman talaga nila ako pinapansin.”