Jodi Sta. Maria shares good qualities of Jolo Revilla

The actress says one of the reasons why she admires Jolo is because he is mature for his age.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/4/2012 2:27 PM
Jodi Sta. Maria shares good qualities of Jolo Revilla


120412-jodi_main.jpgHindi na mapigilan pa ng aktres na si Jodi Sta.Maria ang magsalita tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Sa report ng ABS-CBN News nitong Lunes, inihayag ng aktres ang mga katangiang hinahangaan niya kay Jolo.

"He is mature for his age talaga. 'Yung mga aspirations niya, kumbaga wala na siya sa point na parang maglaro or gumimik. Kumbaga alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay, alam niya kung saan niya gustong pumunta," ani Jodi.

Nagpapasalamat din ang aktres na nagkaroon siya ng isa pang pagkakataon para maging masaya sa pag-ibig.

"Happiness is really important and we should always protect ourselves from anything that is crucial to our happiness," dagdag ng aktres.

Samantala, tumanggi namang magkomento si Jodi sa naging pahayag ni Iwa Moto, nobya ngayon ng dating asawa niya na si Pampi Lacson.

Ayon kay Iwa, masaya siya para kay Jodi at Jolo at naway masaya din ang aktres para sa kanila ni Pampi.

"From day one up to this day, I will keep quiet and I will keep my silence," ani Jodi.