Enchong Dee ignores bashers, embraces criticisms

The actor says he takes criticisms constructively to make himself a better person.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/30/2012 9:51 PM
Enchong Dee ignores bashers, embraces criticisms


123112-enchong_main.jpg“I’m more confident than before, more stable.” Ganito inilarawan ni Enchong Dee ang sarili nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa "Ikaw Na!" portion ng Bandila noong December 26, 2012. 

Ang pagiging stable umano niya ay galing sa mga natutunan niya sa buhay. “Because of the knowledge I gained along the way. Natuto na ako kung anong worth ng sarili ko. Natutunan ko na rin itong trabaho ko, mahal ko ‘yung trabaho ko, so alam ko kung nasaan ako ngayon,” paliwanag ng aktor. 

Marami raw ngayong naiisip ang aktor at isa na rito ang pagkakaroon ng negosyo niya. As a matter of fact, nagsimula na ang aktor dahil nakapagpatayo na ito ng isang maliit na commercial/residential building. Ito raw ang kanyang napili dahil booming business daw ito sa Pilipinas. “Pangalawa di pa ako ready makita sarili ko living by myself pero gusto ko magkaroon ng sariling building na nagpapagawa na matitirhan ng ibang tao,” dagdag ni Enchong.

Pagdating naman sa usaping pag-ibig, ito ang tugon ni Enchong. “Peaceful at quiet at the moment. I’d rather stay quiet. I don’t want anything bothering it. I don’t want any other people talking about it.” 

Pagdating naman sa kanyang mga bashers, sinabi ng bida ng Metro Manila Film Fest entry na The Strangers na hindi na niya ito pinapansin. “With bashers, lumalagpas lang. Para silang ghost and I don’t have access too much of what they are saying.”  

Nagtsi-check daw siya online once in a while pero hindi na siya apektado masyado ng bashers. “But with criticisms, I embrace it. I love criticisms. Kasi bashers parang wala lang silang magawa for that moment, na trip (lang), basta may masabi lang, but with criticisms, there’s this intellectual criticisms and underneath there are advice. Para kasing nagiging manhid ka na rin along the way. Pero manhid na wala ka nang pakialam, you get manhid (na) nasasanay ka na na alam mong may darating at darating na ganon.”