• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim says 'it's always a good thing' when he makes Kim Chiu happy

Xian Lim says 'it's always a good thing' when he makes Kim Chiu happy

Xian Lim says that giving gifts to Kim Chiu is his way of showing appreciation.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/28/2012 8:12 PM
Xian Lim says 'it's always a good thing' when he makes Kim Chiu happy


122912-xian_main.jpgKapag pinag-uusapan na si Kim Chiu, tila nagiging uncomfortable si Xian Lim, marahil dahil ayaw niyang masyadong nagiging center of attention ang “panunuyo” niya kay Kim. Ayaw masyadong magdetalye ng aktor pero sinabi niyang masaya siya kapag sinasabi ni Kim na nagdudulot ng saya sa buhay niya ang kanyang leading man. “There’s nothing wrong kung masaya ang tao, it’s always a good thing,” ani Xian.

Aminado siya na natutuwa siya kapag nakikita niya si Kim at ang kanyang mga kapatid dahil masaya sila at marami. Naiinggit daw nga siya minsan dahil nagiisang anak si Xian habang sina Kim ay maraming kapatid. Para nga raw silang mga anak ni Janice de Belen na sobrang close.

Very thoughtful si Xian lalo pa’t madalas niyang bigyan ng regalo si Kim. Ani Xian, minsan daw kapag namimili siya o tumitingin sa mga bilihin na kapag may specific na bagay na nakakuha ng kanyang atensyon at alam niyang ikatutuwa ito ni Kim, binibili niya ito para sa aktres. Pero ani Xian, wala naman daw masama rito at pwede naman itong ikonsiderang token of appreciation.