Jessica Sanchez excited for her solo concert in 2013

The American Idol runner up says she is excited to do her Valentine concert next year.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/24/2012 12:46 AM
Jessica Sanchez excited for her solo concert in 2013


122412-jessica_main.jpgExcited na si Jessica Sanchez, American Idol Season 11 runner-up  sa pagbabalik niya sa Pilipinas para sa kanyang solo concert sa Big Dome.

Sa kanyang Twitter account, kinumpirma na ni Jessica ang isyung pagkakaroon niya ng show sa darating na taon.
 
Ani Jessica, magkakaroon siya ng Valentine's show kung saan makakasama niya ang isa pang American Idol finalist na si Colton Dixon.
 
"I've got some exciting news to share soon for all my bluejays in the Philippines. ...Can you guess what my big news is?" ani Jessica sa naunang tweet nito. 
 
"I love Valentine's Day," dagdag niya.
 
"Valentines Day, I'll be coming to be Manila to perform my first solo concert at Smart Araneta Coliseum!!! :)," pagkumpirma ng singer.
 
Matatandaang nito lamang Setyembre ay umuwi sa bansa si Jessica para sa "American Idol Live Tour 2012" sa Araneta Coliseum kung saan nakasama niya ang 10 pang finalists ng American Idol Season 11. 
 
Inaasahang maglalabas na ng kanyang album si Jessica sa susunod na taon at gayundin ang paglabas niya sa hit US musical series na "Glee."