• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Tugonon on finishing 1st runner-up in Miss Universe: 'Dapat accept mo talaga.'

Janine Tugonon on finishing 1st runner-up in Miss Universe: 'Dapat accept mo talaga.'

The beauty queen says being bitter about her failure to get the Miss Universe crown will not do anything good.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/24/2012 1:03 AM
Janine Tugonon on finishing 1st runner-up in Miss Universe: 'Dapat accept mo talaga.'


122412-janine_main.jpgAminado ang Miss Universe 2012 1st runner-up na si Janine Tugonon na may panghihinayang na hindi niya nasungkit ang Miss Universe crown sa nasabing pageant noong November 20 subalit kailangang tanggapin kung 'di man ito ipinagkaloob ng Diyos. “Siyempre siguro parang a part of me parang, ‘Arghhh… ‘yun na eh no!’ Pero ‘yun nga dapat accept mo lang talaga, kasi pag naging bitter ka, walang mangyayari. Parang happy-happy lang, fun, fun, fun,” ani Janine sa panayam sa kanya at ipinalabas sa The Buzz noong Linggo.

Itinanggi naman ni Janine ang isyung 'di siya sang-ayon sa desisyon ng mga judges ng pageant na si Miss USA Olivia Culpo ang nanalo. “Kasi nga like din ng sabi ko, subjective ang judging 'di ba? Pupwedeng maganda ang sagot ko, e mas gusto naman talaga si Olivia nung judges, wala tayong magagawa doon. Tanggapin na lang natin,” nakangiting paliwanag ng Filipino pride.

Wala rin daw katotohanan ang isyung hindi sila magkasundo ni Miss USA. “We’ve been together in some shoots. Mabait naman siya and okay naman ang personality niya.”

Nadadawit naman sa isyu ang boyfriend ni Janine na si JP Santos, na katrabaho rin ng beauty queen. May mga namba-bash kasi sa binata pero ipinagtanggol siya ni Janine. “I’m happy he’s with me, I’m happy na he’s my partner. I think I wouldn’t have made it without him, so kung may negative man, 'wag na lang pansinin.”