• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee on having had a relationship with Julia Montes: 'Parang ganon na kami.'

Enchong Dee on having had a relationship with Julia Montes: 'Parang ganon na kami.'

The actor related that he was just waiting for Julia Montes to turn 18 so they could 'formalize' their relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/24/2012 1:06 AM
Enchong Dee on having had a relationship with Julia Montes: 'Parang ganon na kami.'


122412-enchongjulia_main.jpgSa The Buzz kahapon ay sinabi ni Enchong Dee na wala siyang dahilan upang maging malungkot ngayong Pasko. “There’s no reason to be sad. Patapos ang 2012, papasok ang 2013, it’s not a good time to be sad,” ngiti ng binata.

Tinanong si Enchong ng host na si Charlene Gonzales kung romantically inspired ba si Enchong ngayon. “Maybe not romantically inspired,” sagot niya. Sinabi ng binata na ang ibig sabihin kasi nun ay mayroon siyang karelasyon na nagpapangiti sa kanya at nagbibigay inspirasyon sa kanya to be his best subalit wala naman sa ngayon.  

Pumutok ang balita kamakailan na tumigil na sa panliligaw si Enchong kay Julia Montes na co-star din ng aktor sa Metro Manila Film Fest entry na The Strangers na magbubukas sa mga sinehan this December 25. Pagpapatuloy pa niya, totoo ang dahilan niyang nawalan sila ng panahon para sa isa't isa sa huling bahagi ng 2012. Kahit nga raw ang mga magulang at kapatid ni Enchong ay 'di na niya nakikita kahit sa iisang bahay lang sila nakatira.

Natigilan ng ilang segundo si Enchong nang tanungin siya ni Charlene kung nagkarelasyon ba sila ni Julia. Ang tugon ni Enchong, “Can I elaborate my answer?”

Ipinaliwanag ni Enchong na hindi sila naging pormal na magkarelasyon ni Julia dahil 17-anyos pa lang ang dalaga. “To be honest I was just waiting for her to turn 18 in three months time, pero ‘yun na sana ‘yon official (ang relasyon namin). Kahit sinong magtanong (masasagot ko ng) ‘Oo, naging kami,’ if she’s 18. Pero andaming nagho-hold back because she’s only 17. When we first started going out she was only 16. Ang tagal ko talagang hinintay." 

'Di naman niya ikinaila na mas malalim pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila ni Julia. “Kung tatanungin mo like more than friends or naging kami I can say parang ganon na kami,” pag-amin niya.  “We can’t concretely say, ‘Yes, kami na!’ Kasi I’m really waiting for her to turn 18.”

Marami rin ang nakakapansin sa pagiging extra-sweet nila ni Maja Salvador ang leading lady ni Enchong sa teleseryeng Ina Kapatid Anak pero ani Enchong, totoong magkaibigan lamang sila ni Maja.