Black Eyed Peas' Apl.De.Ap wishes to try acting

Apl says he wants to try doing comedy with Tito, Vic and Joey.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

12/22/2012 11:58 PM
Black Eyed Peas' Apl.De.Ap wishes to try acting


122312-apl_main.jpgInamin ni Allan Pineda o mas kilala bilang si apl.de.ap ng grupong The Black Eyed Peas ang pagnanais niyang subukan ang pag-acting sa bansa.
 
Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Allan na nais niyang mapasama sa comedy films.
 
Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais niyang gumawa ng pelikula kasama ang hit comedy trio nila Senator  Vicente "Tito" Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
 
"I'd like to be in some comedy movies. I would like to work with Tito, Vic and Joey," ani Allan nang dumalo sa premiere night ng "El Presidente." Ang international artist ang gumawa ng theme song ng nasabing epic film. 
 
Nais din niyang makasama ang Queen of All Media Kris Aquino, na dati ay na-link sa kanya.

Nito lamang December 20 ay nagdaos ng charity tour si Allan para sa mga taong kapos palad. 
 
Matatandaang nagawaran na ng pagkilala si apl.de.ap ng Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III dahil sa kanyang pagtulong sa pamamagitan ng kanyang Apl.de.ap Foundation.