• Home
  • Fresh Scoops
  • Enchong Dee and Julia Montes say that their latest movie helped them reconnect

Enchong Dee and Julia Montes say that their latest movie helped them reconnect

Enchong Dee and Julia Montes admit that doing promotions for 'The Strangers' helped them bond and make up for lost time.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/22/2012 2:27 AM
Enchong Dee and Julia Montes say that their latest movie helped them reconnect


122212-julia_main.jpgMagkasamang nakapanayam ng Push.com.ph si Julia Montes at Enchong Dee sa premiere night ng pelikula nilang The Strangers kung saan hindi nila maitago ang kanilang tuwa at pagiging proud sa kanilang Metro Manila Film Festival entry. Ayon kay Enchong, “Ang saya kasi finally napanood na namin yung finished product at ngayon talaga namin masasabi na ang The Strangers ay may laban talaga sa MMFF.” Dagdag pa ni Julia, “Saka worth it lahat ng pagod, lahat ng puyat, pagod ng bawat isa—staff, crew, cast lahat.”

Naging bukas din naman sila sa publiko na nakaapekto ang kanilang pagiging busy sa kung anuman ang nasisimulang namamagitan sa kanilang dalawa. Nang kinamusta ang estado ng kanilang relasyon, lahad ni Enchong, “Masaya kami. Ano ba? Kasi kung ineexpect ng tao na malungkot kami hindi e, hindi kami malungkot.”

Ibinahagi din ni Enchong at Julia na dahil sa The Strangers mas nakapagkwentuhan sila at nakapag-catch up sa isa’t isa. “Oo naman, siguro sa lahat naman ng promo na ginagawa namin for The Strangers we have more time to talk,” pag-amin ni Enchong. “Mas naging bonded kami lalo kasi ngayon na lang kami nagkasama ulit,” dagdag pa ni Julia.

Natanong din ng Push kung paano matatapos ang taong 2012 para sa kanila. “Nang nakangiti,” ang para kay Enchong. “Positivity, na lahat ng nangyari noong 2012 malaking part ng 2013, para mag-grow, para maging bago.

Focused din ang dalawa sa mga gusto nilang marating sa kanilang personal at propesyunal na buhay. Para kay Julia, mas nakasentro ito sa kapakanan ng kanyang pamilya at sa kung saan napupunta ang kanyang pinaghihirapan. “Siguro more lang sa mga dream ko na matupad at lahat ng dream ko na investments, more on family kasi ako e. Kaya sana lahat ng dream ko sa family ko matupad sa 2013.”

At para naman kay Enchong, nais niyang mas palawakin pa ang mga karakter na kanyang ginagampanan lalo na pagdating sa pelikula, “Goal ko na sana may mga roles pa na katulad ng The Strangers because it comes once in a lifetime.”