Happy naman si Janice sa parehong pelikula at sinabi niyang malaki man ang hamon, proud siya sa kinalabasan ng mga ito. “It’s something to be proud of already. Ang ganda-ganda ng mga entries. It’s a challenge for everybody but that’s what makes us even better, the challenge. You work hard, you really put yourself out there.”
Aniya, magkaiba ang dalawang pelikula pero proud siya sa kinalabasan ng mga ito. “Magkaibang-magkaiba. Magkaiba talaga. While they’re both very different from the normal things I usually portray, magkaiba pa rin sila,” aniya.
Pagdating naman sa The Strangers, mas pisikal naman umano ang naging hamon sa kanya sa paggawa ng pelikula na pinagbibidahan din nina Enchong Dee, Julia Montes, Enrique Gil, JM De Guzman, at Cherry Pie Picache. “Kahit na gumagawa ako ng horror, medyo mahirap ito. Medyo mahirap in terms of schedule, in terms of kung saan kami nagsu-shoot. Mahirap siya tsaka parati kaming gabi [nagsu-shoot],” kwento niya.
Direktang tinanong ang aktres kung sa tingin niya ay may laban ang The Strangers pagdating sa box-office. Ang buong kumpiyansa niyang sagot, “Oo naman, lahat naman may laban.”
Ibinida rin ni Janice na sa palagay niya ay magaganda ang mga entries this year. “I think because of the eight good films, panonoorin naman ang eight good films,” aniya.