• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo hopes to recapture the 'kilig factor' of her team-up with John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo hopes to recapture the 'kilig factor' of her team-up with John Lloyd Cruz

The Popstar Princess relates that it is not difficult working with John Lloyd Cruz once again. á

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/3/2012 1:59 AM
Sarah Geronimo hopes to recapture the 'kilig factor' of her team-up with John Lloyd Cruz


120312-sarahjlc_main.jpgMasaya si Sarah Geronimo sa pagbabalik tambalan nila ni John Lloyd Cruz na ngayon ay nagsu-shooting na para sa kanilang third movie together. Hangad ni Sarah na maging successful ang kanilang pelikula na next year ipapalabas. “Siyempre ‘yun ang goal namin, maibalik ‘yung kilig. Kumbaga ‘yung kilig na naramdaman nila sa first movie pa lang, sana maramdaman nila ulit ‘yon.” 

Natutuwa ang Popstar Princess na makatrabaho muli si John Lloyd dahil matagal na rin since they last worked together. “Masaya ako na nanumbalik ‘yung friendship namin. ‘Yung magandang working relationship namin. Better talaga. Masaya kami sa set and I’m happy to see him.”  

Dagdag pa niya noong mga unang shooting days daw nila ay nakaramdam siya ng ilang kay John Lloyd lalo na kapag may mga eksenang nagkakalapit ang kanilang mga mukha. Pero nalampasan din daw niya ito kalaunan lalo pa’t laging ipinaparamdam sa kanya ni John Lloyd na maging komportable siya. 
 
Sunud-sunod naman ang nakuhang mga parangal recently ni Sarah sa loob at labas ng bansa. Una na rito ang Best Asian Artist (Philippines) sa Mnet Asian Music Awards. Si Sarah din ang ambassador ng Armed Forces of the Philippines for its campaign na Bayanihan. Supposedly ay P10 milyon umano ang talent fee ni Sarah pero tinanggihan umano niya ito bilang tulong niya sa pagpo-promote ng pagkakaisa at pagtutulungan. 

Sa katatapos lang na Awit Awards ay nakuha ni Sarah ang Best Selling Album of the Year para sa album niyang One Heart at ang Best Female Major Concert Award mula naman sa 25th Aliw Awards. 

Sa Aliw Awards ay biniro si Sarah ng composer na si Vehnee Saturno na boyfriend na lang ang kulang sa buhay niya, at ipinagtanggol naman ni Sarah ang sarili at sinabing isang biro lang ang nasambit ni Vehnee. “Wala ‘yon, di totoo ‘yon. Hindi naman ‘yon ang makakapagkumpleto sa akin as a person. ‘Yung pagmamahal ko talaga unang-una talaga sa Diyos at sa sarili ko. Kailangan matutunan ko ‘yon, syempre panalo na ako sa mga pagmamahal ng mga tao sa paligid ko, wala na akong hihilingin pa,” ani Sarah.