• Home
  • Fresh Scoops
  • Coco Martin talks about his new projects and courting Julia Montes

Coco Martin talks about his new projects and courting Julia Montes

The actor says he is very thankful for 'Walang Hanggan' because it has paved the way for new and bigger projects for him this 2013.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/18/2012 11:05 AM
Coco Martin talks about his new projects and courting Julia Montes


121812-coco_main.jpgKinumpirma ni Coco Martin na may bago siyang teleserye, ang Juan dela Cruz, kung saan makakasama niya si Erich Gonzalez. Inamin din ni Coco na nagulat din siya na napabilis na nga ang taping nila dahil ang nakaplano lang naman nung una, matapos ang Walang Hanggan, ay ang shooting ng bago nilang pelikula ni Julia Montes. Aniya, “Yun nga e nag-abot na for next year. Well pinagsasabay ko na mag-taping at mag-shooting ng movie with Julia.” 

Patungkol naman sa pelikula nila ng aktres, na shinoot pa sa Amsterdam, nagbahagi si Coco ng ilan sa kanilang naging karanasan ng kanyang leading lady. “Sobrang sarap, sobrang sayang experience kasi may bonding. Masayang experience, mas napakaimportante ng bawat oras saka maganda kasi yung kwento, maganda yung pelikula na ginagawa namin. Masaya-masaya kami.”

Sinabay na rin ni Coco ang pasilip sa kung ano ang bagong aabangan sa bago niyang teleserye, “Yung Juan dela Cruz, mas bago. Ito naman inihahandog namin sa mga kabataan, sa pamilya, sa mga Nanay, tatay sana suportahan pa rin nila tulad ng pagsuporta sa Walang Hanggan.”

Napapalapit na nga ang araw ng Kapaskuhan kaya naman marami din ang nagtatanong kung paano nga ba ipagdiriwang ng isa sa mga pinkasikat at pinakamagaling na artista ng henerasyong ito ang Pasko, “Wala siguro ano lang , pag nagkaroon ng time, ng break, time lang para sa family, family bonding.”

At sa dami nang kanyang ginawa sa taong ito hindi lang sa pang-personal na aspeto kung hindi pati sa pagtulong at pagpapasaya sa iba nating mga kapamilya, at sa lahat ng kanyang mga natanggap na parangal, ang tanging hiling at nais ni Coco ngayong pasko ay para pa rin sa pamilya, “Yun lang mabigyan ko lang sila ng time masaya na ako.”

Naging bukas naman si Coco Martin sa kanyang paghanga sa kanyang leading lady na si Julia Montes kaya naman nang matanong namin siya kung tuloy na ba talaga ang panliligaw niya sa dalaga, naging matipid ngunit malaman ang sagot ng binata, “Wala pang 18, kapag 18 na saka natin pag-isipan.