• Home
  • Fresh Scoops
  • Why Julia Montes prefers maintaining her friendship with Enchong Dee

Why Julia Montes prefers maintaining her friendship with Enchong Dee

The actress says a foundation of friendship between her and Enchong is better than rushing into love.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/17/2012 12:26 AM
Why Julia Montes prefers maintaining her friendship with Enchong Dee


121712-julia_main.jpgLately ay maraming isyung ipinupukol ay Julia Montes, kaya sa The Buzz kahapon ay nilinaw niya ang mga isyung ikinakabit sa kanyang pangalan. Kasama si Julia sa upcoming Metro Manila Film Fest entry na The Strangers, na pinagbibidahan din nina Enchong Dee, Enrique Gil, JM de Guzman, Janice de Belen at Cherie Pie Picache. 

Isa sa mga tinanong sa young actress ay ang walang tigil na pagkukumpara sa kanila ng kanyang dating katrabaho na si Kathryn Bernardo. Diumano’y nagkaroon na sila ng tampuhan at 'di na nagpapansinan. Mariin naman ang pagtanggi rito ni Julia at sinabing never iyon mangyayari sa kanilang dalawa. Sila rin daw ang tipo ng magkaibigan na kahit hindi sila laging nagkikita ay may unawaan na silang matalik pa rin silang magkaibigan. 

Direkta ring tinanong si Julia kung may katotohanan ang isyung hindi sila on speaking terms ni Maja Salvador dahil nagseselos si Julia kay Maja dahil sa closeness nila ni Enchong sa Ina Kapatid Anak. Very vocal kasi si Enchong sa pagsasabing may pagtatangi siya kay Julia. “Okay po kami ni Ate Maja saka wala namang selos kasi unang-una nagwo-work sila at maganda ang takbo ng show nila,” ani Julia at idinagdag na pinagtatawanan na lang nila ang isyu dahil wala naman talaga silang dapat pag-awayan.

Iba rin naman daw ang nabuong pagkakaibigan sa kanilang dalawa ni Enchong at malaking bagay rin daw na naging close si Julia sa mommy ni Enchong. Sa posibilidad naman na mauwi sa relasyon ang kanilang pagkakaibigan, sinabi ni Julia na hindi raw niya kayang hulaan ang mangyayari sa future. “For me kasi ang pananaw ko siguro mas okay ‘yung friends, mas magla-last ang friendship,” say ng aktres kesa raw sa relasyon na posibleng mauwi sa hiwalayan at magkaroon pa ng away.

Idiniin din ni Julia na hindi na raw sila masyadong nagkikita at nagkakasama ngayon ni Enchong dahil sa kanilang very busy schedules. Gumagawa ngayon ng pelikula si Julia with Coco Martin, ang leading man ng aktres sa katatapos na teleseryeng Walang Hanggan. Matatandaang nasangkot din ang pangalan ni Coco sa umano’y tampuhan nina Julia at Enchong recently. Tinanong ni Charlene Gonzales si Julia kung ano ang kanyang gagawin sakaling ligawan siya ni Coco kapag nag-18-anyos na siya next year. “Parang ang hirap yatang sagutin ‘yan,” reaksyon ni Julia. “Ang haba ng hair ko kung totoo man ‘yan.