Kinumpirma din ni Coco na may bago siyang teleserye kung saan makakasama niya si Erich Gonzales. Inamin ni Coco na nagulat siya na napabilis ang taping ng Juan dela Cruz, ang bago niyang serye, dahil ang alam niya ay gagawa pa sila muna ng pelikula ni Julia Montes. Aniya, “Yun nga e nag-abot na for next year. Well pinagsasabay ko na mag-taping at mag-shooting ng movie ni Julia.”
Patungkol naman sa pelikula nila ni Julia na shinoot pa sa Amsterdam, sinabi ni Coco ay naging masaya ang karansan nila dito. “Sobrang sarap, sobrang sayang experience kasi may bonding. Masayang experience.”
Naging bukas naman si Coco sa kanyang paghanga kay Julia kaya naman nang matanong ng Push kung may balak siyang manligaw sa dalaga, naging matipid ngunit malaman ang sagot ng binata. “Wala pang 18, kapag 18 na saka natin pag-isipan.”
Tungkol naman sab ago niya teleserye, aniya, “Yung Juan dela Cruz, mas bago. Ito naman inihahandog namin sa mga kabataan, sa pamilya, sa mga nanay, tatay. Sana suportahan pa rin nila tulad ng pagsuporta sa Walang Hanggan.”
Naibahagi din ni Coco na wala silang espesyal na plano ng kanyang pamilya para sa Pasko. “Wala. Siguro ano lang pag nagkaroon ng time, ng break, time lang para sa family, family bonding… Yun lang mabigyan ko lang sila ng time masaya na ako.”