• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim insists that he and Kim Chiu are still just friends

Xian Lim insists that he and Kim Chiu are still just friends

Xian Lim clarifies that he and Kim Chiu remain close friends and that he is not jealous of Gerald Anderson.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/12/2012 8:54 AM
Xian Lim insists that he and Kim Chiu are still just friends


121212-xian-main.jpgMarami-rami na ang mga isyung kumakalat ukol sa love team nina Kim Chiu at Xian Lim. Ilan dito ay ang pagseselos diumano ni Xian sa dating ka-love team ni Kim na si Gerald Anderson at ang isyung na itinatago lamang ng nina Kim at Xian sa publiko ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa. Isa-isa namang sinagot ni Xian ang mga isyung ito.

Sa tanong na may “mutual understanding” o pagkakaintindihan na sila ni Kim na itinatago lamang sa publiko, aniya, “No, we are not putting any labels, we are friends. We are happy to be working on Ina, Kapatid, Anak. We are happy for all the blessings.”

Ngunit naging matipid ang pagsagot nito tungkol sa balitang hindi niya pa rin makuha ang matamis na “oo” ni Kim. “Hindi ko alam,” ang pawang naging sagot ni Xian sa tanong na ito.

At sa hindi mamatay na balitang nagseselos na diumano si Xian kay Gerald na nakasama ni Kim sa pelikulang 24/7 In Love, sagot niya, “Ay wala naman po akong nababasa na ganyan kasi hindi naman totoo. Ngayon ko lang narinig yan.

Pinalinaw na rin ng Push kay Xian kung ano na nga ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Kim. “We are friends at pinagbubuti talaga namin ang trabaho namin sa set. We are focused especially that Ina, Kapatid, Anak is number one so we really have to be focused. We love our job.”

Tungkol naman sa napipintong pelikula nilang dalawa ni Kim, hindi pa man sila nagsisimula siniguro naman ni Xian na tuloy ang kanilang unang tambalan sa pelikula. “Wala pa e still working on it, hindi pa nagsisimula pero meron. Oo, sana matuloy na ang pelikula. We won’t let you down and I know that Star Cinema is doing their best and I am sure its coming.”