• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes says she is ready for stress from work, but not stress from a love life

Julia Montes says she is ready for stress from work, but not stress from a love life

Julia Montes says Coco Martin and Maja Salvador shouldn't be dragged into the issue of her relationship with Enchong Dee.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

12/12/2012 9:10 AM
Julia Montes says she is ready for stress from work, but not stress from a love life


121212-julia-main.jpgInamin ni Julia Montes na ang pagiging sobrang busy nila ni Enchong Dee sa kani-kanilang trabaho ang dahilan kung bakit matagal silang hindi nagkaroon ng komunikasyon. Sa press conference ng upcoming Metro Manila Film Fest entry na The Strangers under Star Cinema, nilinaw rin ni Julia na hindi sila nagkatampuhan ni Enchong upang maging dahilan para pati trabaho nila ay maapektuhan.

Sa tingin ko naman sa shoot wala, wala namang naapektuhan kasi pareho naman naming ginagawa ang work namin and wala namang tampuhang naganap. Siguro akala lang nila dahil tahimik lang kami, kasi kapag nasa set kami, [pag] work, work talaga,” paliwanag ng aktres.

Sinuportahan din ni Julia ang unang sinabi ni Enchong na walang katotohanan ang isyung breakup nila dahil never pa naman naging sila. “Wala, wala pa sa ganon. Gaya ng sabi namin, work mode ngayon and talagang busy,” paniniyak ng aktres.

Nang sundutin ito ng tanong kung binasted naman ba niya si Enchong, ang tugon ng dalaga, “Walang gano’ng nangyari. Walang negative na nangyari sa amin.”

Napapasok din sa intriga ang pangalan ni Coco Martin. Magkatambal kasi sila ni Julia sa isang upcoming movie under Star Cinema. Kagagaling lang ng dalawa mula sa abroad for three weeks to shoot the movie. Paglilinaw ni Julia, hindi dapat madamay ang pangalan ni Coco dahil leading man niya ito sa pelikula. “Kasi di naman dapat [madamay si Coco]. Wala namang hiwalayang nangyari and dapat hindi siya ipasok kasi lang naman ay katrabaho ko, ‘yung huling nakatrabaho ko (sa teleseryeng Walang Hanggan) at nakakatrabaho so hindi dapat ipasok.”

Kinlaro rin ni Julia ang diumano’y gap nila ni Maja Salvador at ang rason daw ay si Enchong. Habang nililigawan ni Enchong si Julia, leading lady naman ng aktor si Maja sa Ina Kapatid Anak.

Wala, walang ganun. Siguro kung anuman ang mga nangyari sa off-cam namin, walang epekto sa aming tatlo gaya ng lumalabas, kasi kaming lahat okay kami. Lahat kami nagtatrabaho, lahat kami busy sa bawat show.”

Sa tanong kung hindi pa rin ba siya handa na pumasok sa relasyon, ang sagot ni Julia, “Di pa, saka na ang stress na ganon. Stress muna sa work.”