• Home
  • Fresh Scoops
  • Melai reveals what she and Angelica went through during their respective break-ups

Melai reveals what she and Angelica went through during their respective break-ups

Melai Cantiveros talks about her friendship with Angelica Panganiban and what they did for each other during difficult times.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/9/2012 9:34 AM
Melai reveals what she and Angelica went through during their respective break-ups


110912-melai_main.jpgSa isang ekslusibong interview ng Push.com.ph kay Melai Cantiveros, naibahagi niya kung gaano nga sila ka-close ni Angelica Panganiban. “Ngayon lang talaga kami naging over-over close ni Twinny (Tawagan nina Melai at Angelica sa isa’t-isa). Actually ang unang tawag ko sa kanya Ate Angelica tapos naging Twinny na kasi sobrang natatawa kami sa isa’t isa kapag magkasama kami. Minsan dun na ako natutulog sa bahay nila, nagswi-swimming kami dun. Kasi sa Banana Split, nung start ng Banana Split close na kami pero hindi pa super. Yung nagtagal na parang nung nagstart na kami mag-break ni Jason (Francisco) lagi na kami nagtetextan, lagi kaming nagsasamahan kasi wala na nga akong masamahan nga, siya na yung lagi kong kasama.”

Ayon kay Melai, naging malaking bahagi si Angelica para mapagaan ang kanyang pinagdaraanan noon nang maghiwalay sila ni Jason Francisco. “Lagi niya akong dinadamayan lagi. Every now and then sa kanya ako nagtetext, hindi ko alam kung bakit ako nagtetext sa kanya, ‘I am so very lonely,’ [tapos sagot niya] ‘Halika tayo magkita tayo.’”

Dagdag pa ni Melai, “Nandiyan siya lagi para sa akin. Magkikita kami, maguusap kami, kakain kami. Minsan, hindi na yung breakup ang pinag-uusapan namin yung tawanan na lang. Lagi kaming nagbobonding, over-over ang bonding.”

At dahil nga dito napag-usapan din ang pareho nilang karanasan sa kani-kanyang breakup. Kaya naman biro ni Melai tungkol dito, “Sumunod siya. Kasi sumunod na siya e kasi alam niya na maganda yung kantong yun kaya sumunod siya sa akin.

Kaya naman ibinahagi ni Melai ang kanyang ginawa naman para sa kaibigan nang maghiwalay sina Angelica at Derek Ramsay. “Ginawa ko din yung ginawa niya, nirescue ko siya. Alam ko na yung formula kaya ginawa ko din sa kanya yung formula. Ako nag-graduate na rin ako e siya humabol pa siya e INC (incomplete) siya sa subject na yun humabol, tinulungan ko na rin siya tapos siya pa ngayon ang over-over na grumaduate.”

Ngayon ngang may bagong ng pag-ibig si Angelica na natagpuan kay John Lloyd Cruz, naitanong ng Push kay Melai kung isa din siya sa mga unang napagsabihan tungkol ditto. “Actually marami kami na mga kaibigan ni Ate Angelica, ni Twinny nga. Hindi lang ako. Marami din kami na sinabihan niya. Minsan nagsha-share siya hindi naman namin siya pinipilit na magshare, siya lang yung nagsha-share yung mga problems niya sa buhay kasi nandito lang naman kami para sa kanya. Kahit ano ang advice namin sa kanya, siya pa rin ang magdedesisyun sa buhay niya.”