John Prats admits he's seeing someone non-showbiz now

John Prats says that while he is seeing a 'friend' on a non-exclusive basis, he is happy with his status now.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/9/2012 11:45 PM
John Prats admits he's seeing someone non-showbiz now


111012-john_main.jpgSa isa sa naging eksklusibong panayam ng Push.com.ph, nagsalita si John Prats tungkol sa napapabalitang bagong karelasyon diumano ng dating girlfriend na si Bianca Manalo sa isang modelo. “Yun naman ang sinasabi ko ever since nung nagkahiwalay kami na I hope mahanap niya yung happiness niya. At now na nahanap niya yung happiness niya at now na nahanap niya na, I am happy for her at sa lahat ng nanagyayari sa atin. I wish her well and more happiness.”

Nang natanong ng Push ang lagay ng kanyang buhay pag-ibig, ang naging sagot ng binata, “Well ako masaya naman ako na sinasabi nila na meron akong girlfriend, para daw laging sinasabi na blooming ako. Ewan ko kung nagfi-fish lang sila, but ako kasi I always found my happiness sa sarili ko at yun siguro ang importante. At kung may dumating, dumating pero hindi ko siya hinahanap ngayon.

Nang tinanong naman kung meron ba siyang nililigawan o napupusuan sa kasalukayan, hindi man direktang sinagot ni John, malaman naman ang kanyang mga naging pahayag. “Now naman I am open sa kung anuman ang possibilities, but I am not rushing into anything. Parang masaya na ako sa kung anong nangyayari sa career ko ngayon at sa buhay ko outside showbiz world at sana magtuloy-tuloy nga na ganun.”

Kaya naman diniretso ng Push si John Prats sa katanungang kung nakikipag-date ba siya ngayon? “Technically hindi ko masabing dating kasi wala naman kaming ganun na exclusively dating thing pero I am very happy na meron akong nahanap na bagong kaibigan.

Ayon kay John isang non-showbiz girl ang kanyang regular na nakakasama sa kasalukuyan. Sa tanong na dahil nauwi sa hiwalayan ang kanyang mga nakarelasyong taga-showbiz kaya non-showbiz girl ang kanyang nilaanan ng atensyon, sagot niya, “Hindi naman kasi hindi ko naman siya hinahanap e. It doesn’t matter if it’s showbiz or non-showbiz pero masaya ako na nakahanap ako ng mga bagong kaibigan na nakakasama ko ngayon, na nararamdaman kong totoo, na ibang mundo at natutuwa ako sa ngayon, and now I am taking my time.”