• Home
  • Fresh Scoops
  • Yeng Constantino shares her experience during the tsunami scare in Hawaii

Yeng Constantino shares her experience during the tsunami scare in Hawaii

Yeng Constantino believes that the best defense against nature-related calamities is prayer.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/6/2012 8:50 AM
Yeng Constantino shares her experience during the tsunami scare in Hawaii


110612-yeng_main.jpgNoong huling linggo ng Oktubre ay nagkaroon ng malakas na lindol sa Canada na nagbunsod upang magkaroon ng tsunami scare sa Hawaii. Apektado rito ang mga singers na sina Yeng Constantino at Jovit Baldivino na nasa Hawaii noong mga panahong iyon para sa kanilang concert.

Pagbabahagi ni Yeng, “We thought na ‘di na nga po matutuloy [ang concert], pray kami ng pray na patigilin ang tsunami. Hindi natuloy [ang tsunami] pero hanggang 4:00 am hindi ako makatulog kasi pray lang ako ng pray.”

Ayon pa sa dalaga, for safety precautions ay pinalipat sila sa mas mataas na lugar kung sakaling magkaroon nga ng tsunami. “Pina-evacuate kami. Pinaakyat kami sa mas mataas na lugar. Rest-house ng producer namin ‘yung pinuntahan namin. Pinagpahinga nila kami don,” aniya.

Subalit mas nagulat sila dahil ang akala nila ay wala nang pupunta sa gagawin nilang concert. “Sobrang kinabahan kami, grabe, kasi akala namin hindi na kami matutuloy sa concert. ‘Yun lang ang ginawa namin, nag-pray lang talaga kami and we’re so blessed na di natuloy ang tsunami. Tapos ang galing kasi kinabukasan ‘yung show akala nga namin di nga ano [pupuntahan] pero sold out ‘yung show so tuwang-tuwa po kami.”

Ani Yeng napakahalaga talaga ng pagdarasal sa mga ganitong sitwasyon.  “Kasi sa mga ganyan wala kang magagawa, eh. Hindi naman ‘yan parang sakit na pwede kang uminom ng gamot, kalikasan, so si God lang talaga ang may control over that kaya pray ka.