Former president Erap reacts on Jake-Andi romance

Joseph Estrada says he doesn't meddle with his son's personal life.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/6/2012 2:36 PM
Former president Erap reacts on Jake-Andi romance


110612-erap_main.jpgNagsalita na sa wakas ang dating pangulong Joseph Estrada sa pagkakadawit ng pangalan nila at ni Laarni Enriquez bilang magulang ni Jake Ejercito. 

Sinasabing tutol di umano  ang dating pangulo sa relasyon ng anak nitong si Jake sa aktres na si Andi Eigenmann dahil sa may anak na ito.

Pero sa exclusive interview ng ABS-CBN News itinanggi ito ni Estrada. Ayon sa dating pangulo hindi nila pinanghihimasukan ang personal na buhay ng anak.

"Matalino 'yon kaya hindi ko kailangang turuan. Sabi ko sa kanya your future is in your hands," ani Estrada.

Wala din aniya silang problema sa aktres na si Andi. "Wala naman, wala. Hindi ako nakikialam nasa sapat na gulang na siya." 

Sa nakaraang panayam ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang nagpahayag na hindi aprubado kay Erap ang relasyon ng anak kay Andi.

Humingi naman ng paumanhin si Andi gamit ang kanyang blog site sa mga taong naapektuhan ng statement ng kanyang ina.