• Home
  • Fresh Scoops
  • Dionne Monsanto explains why she does not mind playing 'kontrabida' roles

Dionne Monsanto explains why she does not mind playing 'kontrabida' roles

Dionne Monsanto says she is looking forward to playing other 'kontrabida' roles in the future.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/6/2012 8:39 AM
Dionne Monsanto explains why she does not mind playing 'kontrabida' roles


110612-dionne_main.jpgPagkatapos ng kanyang maikling role sa morning hit teleserye Be Careful With My Heart, balik-teleserye ulit ang aktres na si Dionne Monsanto sa Paraiso, na pinabibidahan nina Jessy Mendiola and Matteo Guidicelli.

For a change, mabait ang role na gagampanan ni Dionne na for a long time now ay madalas kontrabida roles ang nakukuha niya. Anang aktres, she welcomes the change although she confessed that she had to adjust.

“I discovered ang hirap palang maging mabait kapag nasanay ka nang nagmamaldita sa mga role,” natatawang kwento ng dalaga. “Ang hirap.”

To familiarize herself with the protagonist roles, sinabi ni Dionne na usually ay nanonood siya ng mga series para makahanap ng peg, gaya ng ginawa niya para sa role niya sa Paraiso. Aniya, isang Hollywood period soap series ang pinapanood niya at ipini-peg ang reyna ng nasabing serye na very demure upang ma-imbibe niya ang nuances nito.

Gayunpaman, sinabi ni Dionne na she does not mind playing kontrabida roles again. “It never mattered to me to play kontrabida roles. Actually, I enjoy it very much. I actually look forward to being offered another kontrabida role kasi iba ang tatak ng kontrabida, eh,” paliwanag ni Dionne.

Samantala, loveless ngayon ang 27-year-old actress na ang huling karelasyon ay non-showbiz. Aniya, isang taon at kalahati na raw siyang single and she does not mind taking her time.

Aniya, wala pa raw kasi siyang nakikilalang lalaki na “boyfriend material” para sa kanya. Physically, mas gusto raw ni Dionne ng lalaking mas matangkad sa kanya.

Pagdating naman sa pagkatao, isang lalaking matino ang ninanais niya. “I want to be with someone whose values are intact kasi at this day and age ang hirap nang makahanap ng lalaki na matino and someone who’s stable naman for practicality purposes.”