• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban goes on vacation with John Lloyd Cruz in Japan

Angelica Panganiban goes on vacation with John Lloyd Cruz in Japan

The actress shared pictures of her 26th birthday celebration in Japan via Instagram.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/6/2012 6:21 PM
Angelica Panganiban goes on vacation with John Lloyd Cruz in Japan


110612-jlcangelica.jpgMatapos aminin sa publiko ang kanilang relasyon, nagdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan ang aktres na si Angelica Panganiban kasama ang kanyang nobyong si John Lloyd Cruz sa Tokyo, Japan nito lamang weekend.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng larawan si Angelica kung saan ipinapakita nito ang naging dinner date nila ni Cruz sa Joel Robuchon, isang mamahaling restaurant.

Nung kami ay binusog…. Happy birthday!! Indeed!!” ani Angelica sa caption ng larawan.

Maliban sa kanilang mamahaling dinner date, tila na enjoy din ng aktres ang paglibot sa "land of the rising" sun at mga pagkain nito dahil din sa isa pang pinagsama-samang larawan na kanyang ipinost.

Matatandaang isang linggo pa lang ang nakakaraan ng aminin ni John Lloyd sa The Buzz ang masaya niyang relasyon kay Angelica. Matapos ang ilang araw, inamin din ni Angelica na isa si John Lloyd sa kumempleto sa kanyang buhay.

Ayon kay John Lloyd mas nakilala niya ng maigi ang aktres matapos ang shooting nila sa Vietnam para sa pelikulang 24/7 In Love.

Sa ngayon ay busy si John Lloyd sa kanyang seryeng A Beautiful Affair samantalang nalalapit naman ang serye ni Angelica na Apoy sa Dagat.

Photo from Angelica Panganiban's Instagram.