• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla on Jodi Sta. Maria: 'Si Jodi ang nagpapatibok sa puso ko'

Jolo Revilla on Jodi Sta. Maria: 'Si Jodi ang nagpapatibok sa puso ko'

The rumored couple is becoming more open about their romantic relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/4/2012 11:16 PM
Jolo Revilla on Jodi Sta. Maria: 'Si Jodi ang nagpapatibok sa puso ko'


110512-jolo_main.jpgDahil sa pagdalo ni Jodi Sta. Maria sa pista sa Panapaan, Bacoor, Cavite noong Sabado, November 3, kung saan baranggay captain si Jolo Revilla, marami ang nagsasabing tila nagiging open na ang dalawa sa kanilang relasyon. 

Iniulat sa The Buzz kahapon na si Jolo ang nagimbita kay Jodi na dumalo sa fiesta kasama ang iba pang cast ng teleseryeng Be Careful With My Heart gaya nina Aiza Seguerra at Richard Yap. Marami rin ang naghiyawan dahil sa kalagitnaan ng number ni Jodi sa stage, pinunasan ni Jolo ang pawis ng aktres sa noo. 

Nang makapanayam si Lani Mercado, ina ni Jolo, sinabi niya na hindi naman ito ang first public appearance nina Jolo at Jodi dahil ang aktres ay pumunta rin noon sa Cavite noong panahon ng baha para tumulong sa mga nasalanta. 

Samantala, mas vocal naman si Jolo nang tanungin siya tungkol sa kanila ni Jodi. “Masasabi natin na si Jodi ang nagpapatibok sa puso ko,” direktang hayag ng actor-politician. 

Nang kunan naman siya ng reaksyon sa tinuran ni Jodi sa kanyang previous interview na espesyal siya sa aktres, ani Jolo, “Siguro action speaks louder than words. Siguro obvious naman.” Aniya, magsasalita naman sila ni Jodi sa tamang panahon kung ano talaga ang real score sa kanilang relasyon. 

Nakilala na rin daw ni Jodi ang lolo ni Jolo na si former senator Ramon Revilla Sr. na fan din ng teleserye ni Jodi.  

Nang si Jodi naman ang makapanayam, noong una ay very safe pa ito sa pagsasabing nakadalo siya sa paanyaya ni Jolo dahil hindi naman daw sila busy kasama ang kanyang co-stars. Nang tanungin siya sa tinuran ni Jolo na siya ang nagpapatibok ng kanyang puso, natawa si Jodi at ang tanging nasabi ay, “'Di ko alam ang sasabihin ko.”