• Home
  • Fresh Scoops
  • John Prats admits telling John Lloyd Cruz not to hurt his friend Angelica Panganiban

John Prats admits telling John Lloyd Cruz not to hurt his friend Angelica Panganiban

John related that he cannot be angry at someone who makes his very good friend Angelica happy.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/4/2012 11:24 PM
John Prats admits telling John Lloyd Cruz not to hurt his friend Angelica Panganiban


110512-johnangel_main.jpgNgayong out in the open na ang relasyong John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ay hindi pa rin humuhupa ang mga intrigang kinasasangkutan ng dalawa. Nariyan ang mga kritikong kumukuwestyon na itinago muna ng ilang buwan ang relasyon nilang dalawa bago umamin; na may engagement ring na umanong ibinigay si John Lloyd sa girlfriend at niregaluhan pa ng magarbong sasakyan. 

Sa The Buzz kahapon, may mga kaibigan si Angelica na nagsalita in defense of the actress at sa mga ipinupukol na isyu sa kanila ni John Lloyd. 

Una na rito si John Prats na matalik na kaibigan at co-star ni Angelica sa Banana Split. Si John ay ex-boyfriend naman ni Shaina Magdayao na naging kasintahan ni John Lloyd bago kay Angelica. “In fairness to Angelica, nung mga moments na lumalabas na sila (ni John Lloyd) she talked to me about it. ‘Yun nga ‘yung sinasabi ko ‘yung friendship namin ni Angelica is really unconditional. Syempre iisipin ko, bakit naman ako magagalit sa isang tao na nagpapasaya sa isang tao na mahal ko rin?” ani John. 

Inamin ng aktor na noong una ay nakaramdam siya ng pagkailang subalit nalampasan niya ito at nakausap din si John Lloyd tungkol dito.  “Ang sabi ko lang wag lang niyang sasaktan ‘yung bestfriend ko. Star Magic Ball pa ‘yon. Very brief but after that okay na, very casual na.” Dagdag pa ni John mabuting tao naman si John Lloyd at naniniwala siyang kaya ni Angelica na pangalagaan ang sarili.  

Ayon naman sa non-showbiz friend ni Angelica na si Kevin Samson, bago pa man daw naging malapit sina John Lloyd at Angelica sa upcoming movie na 24/7 In Love, lumalabas na raw ang dalawa together with their common friends. Gayunpaman, ang kanilang shooting sa Vietnam ang naging daan para makapag-usap sila nang masinsinan. 

Ayon pa sa kanya, niligawan din ni John Lloyd ang pamilya ni Angelica at mga kaibigan ng aktres upang makuha ang loob nito.