Jessy Mendiola 'dates' members of the K-Pop group Shinee

The actress was the chosen Philippine representative for KBS' second 'World Date.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/4/2012 11:04 PM
Jessy Mendiola 'dates' members of the K-Pop group Shinee


100512-jessie_main.jpgSa pangalawang pagkakataon ginanap ang World Date na sinimulan ng Korean Broadcasting System or KBS last year. Ang sikat na Korean actor na si Kim Bum ang unang nakipag-date with female representatives from other countries at ang maswerteng kinatawan ng Pilipinas noon ay ang TV host na si Bianca Gonzalez. 
Kamakailan, tumulak patungong South Korea ang mga female representatives mula sa iba’t ibang bansa at ang kumatawan sa Pilipinas naman ngayon ay ang aktres na si Jessy Mendiola. Ang dalawang miyembro ng Korean K-Pop group na Shinee na sina Jonghyun at Key ay ang siyang mga celebrity dates this year. 
Unang binigyan ng makeover ang mga delegada courtesy of Korean star NS Yoonji to achieve that Korean look. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng mini-fashion show kung saan rumampa ang mga delegates. Pagkatapos ng nasabing mini-fashion show ay tumungo na ang mga masuwerteng dalaga sa Gapyeong kung saan sinorpresa sila nina Jonghyun at Key. Bilang ice-breaker nagkaroon ng sayawan ang mga Korean stars at mga delegates na sinundan din ng isang barbecue dinner. 

On the second day ng World Date, outdoor activities naman with Jonghyun at Key ang ginanap kung saan naglaro sila ng jump rope, basketball at relay games. Sumunod ay pumunta naman sila ng Goguryeo, isang ancient Kingdom sa Korea. Ito rin ang location para sa mga isinu-shoot na period at historical programs ng South Korea. Ipinasuot rin sa mga delegada ang tradisyunal na Korean costume. 

Pagkatapos noon ay isang thank you dinner ang ginanap kung saan si Jessy mismo ang nagsilbing host ng event. Si Jonghyun ay kumanta, samantalang isang magandang mensahe naman ang ibinigay ni Key. 

Ang World Date ng KBS ay inilunsad bilang bahagi ng promotion ng South Korea para makilala pa ang kultura ng kanilang bansa sa iba't ibang Asian countries through the Hallyu wave.