• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaclyn Jose on Andi's new relationship: 'Give it to the children, let them fall in love'

Jaclyn Jose on Andi's new relationship: 'Give it to the children, let them fall in love'

The character actress says her daughter and Jake Ejercito should be given the freedom when it comes to their relationship.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/4/2012 11:12 PM
Jaclyn Jose on Andi's new relationship: 'Give it to the children, let them fall in love'


110512-jacklyn_main.jpgKamakailan ay inamin ni Andi Eigenmann na espesyal sa kanya si Jake Ejercito na sinasabi niyang kaibigan lang niya at wala pa silang relasyon. Si Jake ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada sa aktres na si Laarni Enriquez. 
Sa The Buzz kahapon ay ipinalabas ang interview kay Jake at sinabi ng binata na magkaibigan pa rin sila ni Andi at hindi sila tumitigil sa pagiging magkaibigan. Naitanong nga sa binata kung pupunta siya sa binyag ng anak ni Andi na si Ellie this coming November 25, subalit sinabi ng binata na wala pang imbitasyon mula kay Andi at hindi rin naman daw siya makakarating dahil pupunta na siya sa ibang bansa kung saan siya nag-aaral.
 
Ayon sa mga bali-balita, may namamagitan na talaga sa dalawa subalit nahinto ito dahil umano hindi pabor ang mga magulang ni Jake kay Andi. 

Ang isyung ito ay pinatotohanan ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa recent interview sa kanya na nagsabi na bawal daw magkarelasyon sina Andi at Jake. Nang may isang reporter ang nagpahapyaw na di ba’t si Jaclyn din ang nagbisto na may namamagitan sa dalawa, ang tuwirang sagot ni Jaclyn, “Hindi ko sinabi (na) sila ni Jake, sabi ko lang meron…dagdagan natin… baka ayaw ng parents.” 

Pagpapatuloy pa ng character actress dati nang maayos ang relasyon ni Andi sa mga magulang ni Jake subalit nagbago umano ito nang maiulat na buntis ang aktres. 

Best-friend daw kasi ng ina ni Jake na si Laarni ang kapatid ni Jaclyn na si Veronica at noon ay nagba-Bagong Taon pa sa bahay nina Laarni. “Mahirap magsalita kasi (anak ng ) president ‘yan. Marami akong gustong sabihin pero 'di ko na sasabihin dahil (anak ng) president ‘yan. Love ko rin naman si Erap. Magkakaibigan kami bago it happened.” 

Ang pahabol pa niyang pahayag, “Give it to the children. Let them fall in love.” 

Bilang magulang, nauunawaan umano ni Jaclyn kung protective ang mga magulang ni Jake sa kanya. “We respect them, their decision. Syempre they have to take care of their son, (they decide) only for the best (for their son). Ganun din ako. Kaya lang nga things happened beyond my control,” ani Jaclyn.  

Gayunpaman, puring-puri naman ng aktres ang pagkatao ni Jake. “He’s such a beautiful person. We’ll never stop loving him and having him into our house, our home. Every time na pupunta ‘yan, welcome (siya). Napakabait na bata ‘yon. Tahimik.” Lagi raw siyang binabati ng binata pag dumarating at umaalis. Kinakarga niya si Ellie, I’m sorry sa nanay niya. Mahilig sa bata,” dagdag pa niya. 

Ayon pa kay Jaclyn, hindi raw siya nakikialam sa kung anumang relasyon meron si Andi at si Jake. Kapag daw dumadalaw si Jake ay hindi niya tinatanong ang mga ito kung anong relasyon meron sila. Nagkukuwento raw si Andi pero ayaw naman iyon ibahagi ni Jaclyn sa media. “Ayaw nga nung kabila paano natin ikukuwento? Ayoko namang madiin sila, ayoko na rin silang pag-usapan.” 
Samantala, naitanong din kay Jaclyn kung welcome ba sa binyag ang itinuturong ama ni Ellie na si Albie Casiño. Pero sinabi ng aktres na wala silang naririnig mula sa kampo ng aktor.  “We’re not expecting anything from them and they’re not welcome for that matter,” matatas niyang sabi.