• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao says he and Miles Ocampo are just 'close friends'

Marco Gumabao says he and Miles Ocampo are just 'close friends'

Marco Gumabao clears up rumors that he and Miles Ocampo are already a couple.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/30/2012 11:19 PM
Marco Gumabao says he and Miles Ocampo are just 'close friends'


120112-marco_main.jpgAng tambalang Marco Gumabao at Miles Ocampo ng programang Luv U ay patuloy na iniintriga sa estado ng kanilang relasyon. Nakausap ng Push.com.ph si Marco ukol dito. “Kami ni Miles sobrang okay kami on and off screen as in lagi kaming magkakasama at every week lagi kaming nagkikita. Kami ni Miles very good friends and co-workers kami.”

Ibinahagi din ni Marco kung gaano sila kalapit na magkaibigan. “Talagang kamustahan kami kunwari may guetsing ako, may guesting siya o kamusta? Lagi kaming nagkakamustahan at ngayong magkakasama kami sa teleserye nina Ms. Kris (Aquino) at Sir Robin (Padilla), I bet mas lalo kaming magiging close at mas lagi kaming magkakasama sa mga guestings so mas lalo kaming magiging malapit sa isa’t isa.”

Sa sobrang closeness nga ng dalawa, natanong namin si Marco kung wala ba siyang plano na gawing totohanan at manligaw kay Miles at ang nakakaintrigang sagot ng binata, “We’ll see in the future.”

Klinaro din ni Marco ilang balitang lumalabas at nagsasabing may girlfriend na siya na outside showbiz. “Wala naman ngayon. Single ako ngayon, I want to focus on work and studies muna and kasi yung girlfriend naman nandiyan lang yan e. If it’s for you, maghihintay yan. Kung binigay sa iyo ni God yan para mahalin sa habambuhay ibibigay niya yun sa tamana panahon.”

At sa huling pagkakataon, nilinaw ni Marco na magkaibigan lang sila sa kasalukuyan ni Miles at wala siyang girlfriend sa ngayon. “Single talaga ko ngayon. Layo muna ako sa relationships at siyempre sakit din sa ulo. Saka ang hirap na mag non-showbiz girlfriend ka kasi magagalit sila sa oras mo. Parang kulang ka sa oras para less hassle single muna.”

Nais din magpasalamat ni Marco sa mga fans nila ni Miles na patuloy na sumusuporta sa kanilang tamabalan. “Super thankful ako na kahit first show ko ang Luv U winelcome niyo ako at si Miles. As in sobrang buong-buo talaga at kung hindi dahil sa inyo hindi kami parang sisikat ng ganito. Kasi yung fans talaga ang gumagawa sa artista at thank you talaga sa mga fans.