Daniel Matsunaga admits he really wants to work at ABS-CBN

Daniel Matsunaga is happy and honored to be invited as a guest at ABS-CBN for 'Kris TV.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

11/30/2012 9:18 AM
Daniel Matsunaga admits he really wants to work at ABS-CBN


113012-daniel_main.jpgFirst time sa ABS-CBN studios ni Daniel Matsunaga nang mag-guest siya sa Kris TV para sa “Pinoy at Heart” episode ng nasabing programa. At sa naging panayam ng Push.com.ph sa Brazilian-Japanese actor at model, inamin nito ang kabang naramdaman sa kauna-unahang pagkakataon na nakarating siya sa ABS-CBN. “I was a bit nervous pero ito first time ko especially dito sa ABS. Ayaw ko naman pumunta dito ng first time then do something you know. I want to do good, I want to do my best kasi ito yung big opportunity sa buhay ko so masaya ako and very honored talaga.

Klinaro din ni Daniel na wala siyang ekslusibong kontrata sa kahit na anong istasyon. Aniya, “Yes, I am non-exclusive with TV 5. Dati I was exclusive with GMA then nag-transfer ako sa TV 5 nang non-exclusive contract so pwede lahat ng networks.”

At dahil sa kanyang naging guesting sa Kris TV, nakita ang kanyang potensyal at napag-usapan din sa nasabing episode ang posible niyang pagbabalik sa programa bilang co-host kasama si Melai. Kaya naman nang matanong naman siya tungkol dito, “Yes, it is one step higher sa mga naexperience ko dito sa Pilipinas. Dati as a model, then yung mga opportunities start coming tulad ng acting so for me to be co-hosting also is a huge step in my life and I am very happy that this came and I am sure that I will going to do my best. I will be doing workshops for that reason. Kasi yung mga workshops ko dati is lahat Tagalog, acting most of all acting na lang even singing meron lahat dati. So ngayon gutso ko hosting, nainspire talaga ako.”

Natanong din namin ang actor kung sino sa mga kapamilya artist ang gusto niyang makatrabaho at nagmistulang fan din si Daniel nang binanggit ang ilan sa mga nais niyang makatrabaho. “Anne Curtis, Piolo (Pascual), si KC (Concepcion), ang dami, lahat. Kim Chiu also, Gerald Anderson, Toni Gonzaga lahat pwede lahat.” Dagdag niya pa tungkol sa mga artista ng Kapamilya Network, “Kasi lahat sila, they are super sikat. Alam ko silang mga sikat. For me to be working with them will be an experience parang every step that I am taking here in the Philippines is something new in my life. All of them.”

At inamin ng actor na noon pa man ay may kagustuhan na siyang makapagtrabaho sa Kapamilya Network. “Yes! ABS is for me one of the best ‘di ba and everything here. People really watch and I love to be connected to people. One of the things that happen to my life which I appreciate is to be connected to people, to fans to be connected to people. And a lot of people watch ABS, lots and lots of people so for me it’s a huge opportunity and I am very happy to be here.”