Anne Curtis undergoes cancer tests

The actress says she is cancer-free.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/30/2012 1:27 PM
Anne Curtis undergoes cancer tests


113012-anne_main.jpgMasaya ang aktres na si Anne Curtis na negatibo ang resulta ng cancer tests na ginawa sa kanya.

Minabuting ipasuri ni Anne ang mga nunal niya sa dibdib at mukha para masigurong hindi ito maaring maging sanhi ng cancer.

Sa panayam ng ABS-CBN News, kinumpirma ni celebrity doctor Vicki Belo na hindi cancerous ang mga nunal ng aktres.

"It's not cancerous. The bigger the mole, the more mataba it is and the more even the color the less dangerous," Belo said.

"Praise God! Kasi as they get bigger kasi you tend to get curious baka you can get cancer especially if you are always expose to the sun. She look at it kanina 'you are safe,'" ani Anne.

Sa ngayon ay busy si Anne bilang co-host ng It's Showtime at sa kanyang paparating na television series na Kailangan Ko'y Ikaw kung saan makakasama niya si Robin Padilla at Queen of All Media Kris Aquino.