• Home
  • Fresh Scoops
  • Venus Raj shares how Andrei Felix helped make her more 'malambing'

Venus Raj shares how Andrei Felix helped make her more 'malambing'

Venus Raj says she is happy to celebrate her anniversary with Andrei Felix this month.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/4/2012 12:40 AM
Venus Raj shares how Andrei Felix helped make her more 'malambing'


110412-venus_main.jpgVenus Raj admitted she still feels lucky to be part of the daily morning show Umagang Kay Ganda.  “UKG is actually my first love, kasi sila yung unang unang taong nakasama ko sa industriya bago pa man ako nag-host ng kung anu-anong mga events, bago pa man ako gumawa ng commercials, eto na talaga yung mga nakatrabaho ko. And they treat me as a member of their family. Ang sarap ng ganung katrabaho. Although minsan nahihiya naman ako na lahat na lang itatanong mo, pero na-a-appreciate nila yun. Pag hindi mo alam, magtanong ka lang. Lalo na nung bago pa ako tapos marami akong hindi alam, Pati prompter reading nahihirapan ako. May mga ganun pero tinulungan nila ako. Ngayon okay na kahit walang prompter okay na ako. Masarap katrabho itong mga ito kasi parang walang barrier. Kasi makikita mo yun on-cam,” she shared.
 
Out of everyone in her UKG family, Venus said she is closest to Iya Villania. “Si Iya, as in kahit nung nag-sa-start pa lang ako, si Iya Villania na siya eh. Si Donita (Rose) rin before nandun pa, siya yung parang ate ko talaga na as in lahat alam niya. Si Iya dati pa lang napapanuod ko na siya. Super approachable siya, ngayon sobrang close kami na feeling namin ang tagal tagal na naming magkakilala. Yung kahit magkamali ako, alam kong sasaluhin at sasaluhin niya ako, walang laglagan, walang ganun. Ang galing, sobrang galing. At saka magaling siyang host. Parang hindi ka kakabahan pag ito yung katrabaho mo. Alam mong confident ka sa sarili mo at sa kasama mo,” she said.

Now that she is celebrating her one-year anniversary with boyfriend and fellow UKG host Andrei Felix, Venus felt more secure about their relationship. “This is serious actually kasi sabi naman namin talaga, we will never enter into a relationship na tingin namin ay laro-laro lang, loko loko lang. Siyempre nandun yung constant prayer na, ‘Lord sana this is the guy na ibibigay mo sa akin. But if this is not the right guy, then parang i-bless Niyo kami. Bigyan Niyo kami ng tamang actions na puwede namin gawin sa isa’t isa para kahit papano mag-work yung relationship namin with Your help,’” she explained.

The 24-year old admitted that working in the same show has never been an issue for them. “Dati medyo hesitant talaga ako, skeptical ako kasi nasa showbiz na siya, magkatrabaho kami, araw-araw na kami nagkikita, kahit after ng trabaho magkasama pa rin kami. Minsan naghihiwalay na lang kami gabi na and then tulog na ulit tapos umaga magkasama na naman kami. Ang kagandahan pagka ganun is yung constant yung communication, constantly kayo nagkikita. If ever may conflict, napag-uusapan kaagad, na-re-resolve kaagad. Kasi in the first place hindi naman ako talaga showbiz na tao, hindi naman ako nanggaling sa ganyan. Probinsyana ako at seryoso ako sa buhay ko, seryoso ako sa mga relasyon. Yun yung kinakatakot ko dati. Pero this time, I found na hindi naman pala lahat ng showbiz personality ay ganun ang ugali. Puwede naman palang maging seryoso sa isang tao lang kahit andun ka sa environment na ang dami-dami niyong nakakatrabaho. Ang dami-dami niyong nakikilala. Kung focused lang kayo sa isa’t isa, puwede naman pala,” she said.

Aside from developing a good relationship with her mom, Venus also admitted that Andrei helped bring out her more affectionate side. “Si Drei sobrang malambing sa mga magulang. Kahit sa biological parents niya at nadadala niya yun sa nanay ko, sobrang malambing. Ako kasi hindi ako super showy sa feelings ko. Ngayon ngayon na lang yun kasi if you’re from the province at nag-‘I love you’ ka, ang hirap bitawan nun. Sinasabi mo lang yun sa boyfriend mo. Pero dito pala you can say it siguro several times a day, yung mga ganun. Na ngayon, talagang nag-vo-voice out na ako ng feelings ko tapos kahit over the phone nag-a-I love you na ako sa kanya. Si Drei sobrang ma-hug, ganun siya sa mama ko. As in sobrang lambing. I think nakuha ko yun sa kanya kasi ganun siya sa mom niya at daddy niya. So kung hindi ko naman constantly nakikita, parang okay lang pero na-pra-practice ko since nakikita ko sa kanya,” she said

For more updates on Venus Raj, log on daily to Push.com.ph and follow @Push_Mina on Twitter.