Maja Salvador: 'Yes, I'm ready to fall in love again'

The actress clarifies spreading rumors that she and ex-boyfriend Matteo Guidicelli are back in each others arms.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/26/2012 10:53 AM
Maja Salvador: 'Yes, I'm ready to fall in love again'


112612-maja_main.jpgSa The Buzz kahapon ay tinanong ni Charlene Gonzales si Maja Salvador sa kanyang interview kung ano ang lesson in love na natutunan niya. Ang isinagot ni Maja ay ang dialogue ni John Lloyd Cruz sa pelikulang 24/7 In Love na palabas ngayon sa mga sinehan. “Kung kayang ayusin, ayusin. Maganda lang ang linya ni John Lloyd, manood kayo makaka-relate kayo don,” nakangiting pahayag niya. 

Nang tanungin siya ni Charlene kung ang pahayag ba niyang ito ay applicable sa kanyang ex-boyfriend na si Matteo Guidicelli, biglang ang kanyang tanging sagot ay sumasang-ayon siya kay Bea Alonzo, na importante talaga sa relasyon ang pagkakaroon ng respeto. 

Sinagot din ni Maja ang mga kumakalat na isyung nagkabalikan na umano sila ni Matteo dahil may nakakita sa kanilang nagyakapan. Ani Maja, nangyari ang yakapan nila ni Matteo sa taping ng Sarah G. Live pero hindi ito nangangahulugang nagkabalikan na sila. “Guest sila ni Matt Evans sa Sarah G. (Live). Si Matt Evans taping ata siya. Hinug ko siya (Matt Evans sabi ko), ‘Kapatid kamusta ka na?’ Eh magkasama sila ni Matteo (Guidicelli), sabi ni Kim (Chiu), ‘O, bakit si Matteo hindi mo hina-hug?’ Tapos sabi niya, ‘Magkagalit kayo no?’ (Sabi ko) Hindi, no.’” Sa puntong iyon daw ay niyakap niya nang mabilis si Matteo.“Saglit lang naman ‘yon.” Aniya pa, nag-uusap naman sila ni Matteo at mayroon silang komunikasyon. “Magkaibigan naman po kami.

Tumanggi naman siyang magkomento sa tanong ni Charlene kung bibigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Matteo kung ligawan siyang muli nito.  
Diretsa niyang sagot sa tanong kung nagkabalikan na sila, “Hindi po, pero magkaibigan kami. Masaya na ako na magkaibigan kami.” 

Sa tanong naman kung handa na ba siyang umibig muli, “Dapat 'di ba lagi kang handa? Yes, I’m ready to fall in love again.”