• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion shares that Pierre Emmanuel Plassart is her 'answered prayer'

KC Concepcion shares that Pierre Emmanuel Plassart is her 'answered prayer'

The actress-host says that she wants to be sure this time if her French suitor is the one for her.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

11/26/2012 10:54 AM
KC Concepcion shares that Pierre Emmanuel Plassart is her 'answered prayer'


112512-kc_main.jpgIpinalabas sa The Buzz kahapon ang panayam ni Boy Abunda kay KC Concepcion na obvious na may masayang disposisyon sa buhay ngayon. Very optimistic si KC sa kanyang mga sagot. “I’m happy talaga. Sa tingin ko talaga meron talagang dahilan ang lahat at everything really happens for a reason, so lahat ng nangyayari ngayon ang ganda, ang ganda talaga,” paniniyak niya. “Masarap ‘yung pakiramdam ko although syempre hindi mawawala ‘yung mga bashers.” 

Para raw hindi siya maapektuhan ng mga bashers na ito, sinisikap daw ni KC na maging busy sa trabaho at naniniwala raw siya na sa bawat basher na nang-aalipusta sa kanya ay may isang libong taong magpapakita ng pagmamahal.  Yun nga lang daw, nasasaktan daw siya kapag ang hinuhusgahan ng mga bashers ay ang kanyang pamilya.

Ayon pa sa kanya, natuto na raw siya na ang pinakamagandang paraan pagdating sa mga kritiko niya ay huwag pansinin. “Sa lahat ng pinagdaanan ko from last year, feeling ko kahit ano’ng mangyari, okay na, kaya ko na ‘yon. ‘Yon naman ang masasabi ko, thankful ako kay God na ibinigay sa akin ‘yung patience at ‘yung grace para harapin lahat ‘yon,” sabi ng actress-host.

Pagdating naman sa usaping pag-ibig, sinabi ni KC na wala pa namang todo-todo pagdating sa aspetong ito ng kanyang buhay. Si KC ngayon ay nililigawan ng isang French businessman na si Pierre Emmanuel Plassart. “My heart is at peace knowing that merong mabubuting lalaki talaga. Pierre is a very kind person. Maraming lalaking inaral ang pagiging gentleman and that’s a great thing, pero ito talaga simula nung baby talaga hanggang lumaki at ngayon na na-meet ko siya, ito talaga ang masasabi kong tunay. It’s a real thing. He’s a true gentleman na hindi mo ever mabibili or mababayaran ‘yon,” paliwanag ng dalaga. 

Mula raw sa isang pamilya ng mga negosyante si Pierre na nagbabalak magtayo ng kanyang mga negosyo sa France at Singapore. 

Ipinaliwanag din ni KC na isang answered prayer si Pierre sa kanyang buhay. “When you want to ask God for something, you pray about it and you be specific and you believe with all your heart that it’s as if ibinigay na Niya ‘yon sa iyo,” kwento ng dalaga. Naaalala raw niya, noong January of this year ay pitong araw raw siyang taimtim na nagdasal. “I really wrote down in post-it notes lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Gusto kong magkaroon ng ganito, na ganyan-ganyan tapos ipo-post it ko sa likod ng headboard.” Kapag daw mayroon pa siyang naisip ay isusulat niya iyon at ididikit uli sa headboard ng kanyang kama.  “Ibinigay talaga sa akin ni God lahat ng nandun sa post-it na ‘yon until the very last detail.” 

Nang itanong ni Boy kay KC kung ano ang best thing with Pierre, ang tugon ng dalaga, “He’ not giving up.” Dagdag pa ni KC ay napaka sinserong tao din ni Pierre pero kailangan pa raw niyang makatiyak kung si Pierre na ba ang para sa kanya bago siya mag-commit.

Samantala, ini-enjoy naman daw ng dalaga ang pagiging single at mas lumalabas daw ang pagiging creative niya kapag single siya. Aniya, marami pa raw siyang nais i-explore.