Andi Eigenmann tweets: 'I hate boysssssssss'

The actress is dismayed with ex-boyfriend Jake Ejercito's tell-all about their relationship.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

11/22/2012 2:52 PM
Andi Eigenmann tweets: 'I hate boysssssssss'


112212-andi_main.jpgHindi maitago ng aktres na si Andi Eigenmann ang pagkadismaya nitong Miyerkules, ilang oras matapos mailathala ang naging pahayag ng dating kasintahan nito na si Jake Ejercito tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kanyang Twitter account, inihayag ni Andi na halos i-sakripisyo niya ang relasyon niya sa ina, na aniya ay nagsabi lang naman ng totoo.  Dagdag ni Andi na galit na din siya sa mga kalalakihan.

"So much for going against my own mother and sacrificing our relationship just to give u what u want. Fyi everything my mom said was true anyway," ayon sa aktres.

"I hate boysssssssss,” dagdag ni Andi.

Sa isang panayam kay Jake, inamin nitong naapektuhan ng naging pahayag ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang kanilang relasyon. 

Sinabi noon ni Jaclyn na mukhang ayaw ng magulang ni Jake na sila dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez sa kanyang anak dahil sa may anak na ito.

Ayon pa kay Jake, hindi pa tuluyang tapos ang relasyon nila ni Andi noon nang malaman niyang buntis na ito.

Ang aktor na si Albie Casiño ang itinuturong ama ng anak ng aktres.